"Xylex! Papasok ka na? Sabay na tayo," sigaw sa akin ng kaibigan kong si Ken palibhasa iisang lang kami ng college. Nasa may gate na ko ng university n'on.
"Oh sige tara! Kamusta?"
"Ayos lang. Salamat nga pala sa pagpapahiram mo ng kotse sa 'kin nakaraan ha. Nag-enjoy talaga kami ni Faith."
Yong kotse?! Oo nga pala. Pinahiram ko sa kanya yong kotse ko kaya nagalit sa 'kin si Daddy at na-grounded ako kahapon. At dahil d'on ay sa tricycle na minamaneho ng papa ni Faith tuloy ako nakasakay. Hindi niya naman sinabi sa 'kin na gagamitin niya sa pakikipag-date kay Faith 'yong kotse ko. Kung alam ko lang...uhm...wala lang...kung alam ko lang. Wala na nga pala akong rason para alamin pa.
"Aaa?! Wala 'yon. Basta ikaw. Kamusta pala ang lakad niyo?"
"Ayos lang naman. Kumain lang kami sa labas at nag-ikot-ikot."
"Siguro ang saya-saya nyo."
"Oo naman. Basta si Faith ang kasama ko talagang masaya..."
Teka. Bakit ko ba tinatanong 'to. Ang awkward naman. Salita pa rin ng salita si Ken. Kinikwento niya 'yong mga nangyari sa kanila ni Faith. Sa puntong to parang gusto ko ng itiklop ang mga tainga ko. Ayaw ko ng marinig ang mga susunod pang kabanata ng kinikwento niya pero ayaw ko naman ipakita sa kanya 'yon dahil ayaw ko na isipin niya na mahal ko pa rin si Faith. Para wala ng gulo. Para OK lang ang lahat...para kunwari OK lang ang lahat. Nakatulala lang ako habang naglalakad kami at nagkikiwento si Ken.
"Alam mo, Xy, mahal na mahal ko talaga si Faith."
"Mahal na mahal ko rin naman siya."
TEKA! Di ko sinabi sa kanya y'on. Sa isip ko lang y'on sinabi.
"Sigurado ako mahal na mahal ka rin niya," sabi ko na lang sa kanya.
"Salamat pala ha," sabi sa 'kin ni Ken. Mukhang alam ko na ang susunod na sasabihin niya at mukhang alam ko na rin ang isasagot ko.
"Salamat saan?"
"Salamat dahil pinaubaya mo sakin si Faith. Kung hindi dahil d'on siguro hindi ako magiging masaya nang ganito."
"Wala yon. Ano ka ba?! Matagal na rin na wala kami ni Faith at naka-move on na rin ako." Ito na ata ang pinakamalaking kasinungalingan ko.
"Faith!" biglang sigaw ni Ken.
Nagulat ako. Nanlamig. Kinabahan. Nanigas. Nanigas. Pati yong ano..ano...nanigas. (Pasensya dahil sa puntong ito ay na-uutal na ko sa kaba.) Pati yong kamay ko nanigas.
"Faith!" sigaw ulit ni Ken.
Nakita ko si Faith sa 'di kalayuan at alam 'kong narinig niya ang tawag ni Ken sa unang sigaw pa lang nito. Binilisan ni Ken ang lakad niya at sinabayan ko na rin ang bilis niya...kasing bilis nito ang takbo ng puso ko. Nang makalapit na kami ay agad inakbayan ni Ken si Faith. Umiiwas ang mga mata ko sa pagkakatingin sa kanila.
"Anong oras matatapos last subject mo mamaya? Sabay na tayo mag-lunch," sabi ni Ken kay Faith.
"11:30. Sige. S'an ba?" sagot naman ni Faith.
"Kahit saan. Isama na natin si Xylex."
"Ha? Aa...Ken OK lang ako. Kayo na lang."
"Sumama ka na. Libre ko na 'to sa'yo dahil sa pagpapahiram mo ng kotse sa'kin nakaraan."
"Sa kanya pala 'yong kotse?!" gulat na tanong ni Faith.
"Oo. Di ba sinabi ko na manghihiram lang ako," sagot naman ni Ken.
"Sige na Xylex. Sumama ka na," yaya naman ni Faith sa 'kin. Hindi ko inasahan na pipilitin din ako ni Faith pero ayaw ko pa rin sumama...pero mukhang gusto ko...pero 'wag na. EWAN! 'Wag na lang. Baka masaktan lang ako sa makikita ko 'pag magkakasama kami.
"Wag na. Kayo na lang na dalawa." Sabay ngiti ko sa kanila.
"Sige. Bahala ka. Pero babawi pa rin ako sa'yo. Mauna ka na lang pala sa building. Ihahatid ko lang si Faith sa classroom nila." sabi sa 'kin ni Ken.
Tumango na lang ako sa kaniya at ngumiti ng maliit kay Faith sabay talikod at naglakad patungo sa building ng College of Sciences. Habang naglalakad ako ay paulit-ulit kong iniisip 'yong sinabi sa'kin ni Faith kanina..."Sige na Xylex. Sumama ka na. Sige na Xylex. Sumama ka na. Sige na Xylex. Sumama ka na."
Ano nga kaya kung sumama ako? Ok lang kaya? Mukhang sayang din. Pagkakataon ko na rin sana 'yon para makakwentohan si Faith.
BINABASA MO ANG
Girlfriend Mo Ex-Girlfriend Ko
Teen FictionPaano kung may mahal ka pero "ex" na lang kayo? Tapos naging sila ng malapit mong kabarkada? Ito ang kwento na para sa mga iniwan. Para sa mga hindi na binalikan. Para sa mga umaasa pang may babalik. At para sa mga nakahanap ng panibagong pag-ibig. ...