Gabi na 'ko nang makauwi sa bahay. Si Mama at ang tatlo kong mga kapatid ay nasa sala at nanunuod ng paborito nilang teleserye tungkol sa serena. Hindi ko gusto ang palabas na 'yon. Hindi naman sa ayaw ko sa bida kundi mas gusto ko lang talaga yong teleserye sa kabilang istasyon.
----------
Ako nga pala si Faith Ramirez. Fourth year high school na 'ko sa Palawan State University-Laboratory High School. School-bahay-school-bahay lang ako maliban na lang kung susunduin ako ng boyfriend kong si Ken. Pangalawang boyfriend ko pa lang siya. Hindi naman ako malanding babae gaya ng sinasabi ng ilan sa mga classmate ko. Jowa ko kasi ang kaibigan ng ex ko. At nagmahal lang naman ako, masama ba 'yon? Ayaw ko naman na nasasaktan yong ex-boyfriend ko na si Xylex dahil sa boyfriend ko ang kaibigan niya. Tsaka mukha namang okey lang sa kanya yon. At hindi niya na rin siguro ako mahal. Isa pa, past is past.
----------
Ginabi ako ng uwi dahil nagpractice pa kami ng mga groupmates ko para sa komikal skit namin bukas sa school. Buti na lang nandiyan si Ken para maghatid sa akin pauwi. Mahirap na kasi sumakay sa tricycle 'pag ganitong gabi na. Madami na rin kasi ang nababalitang nari-rape. Hindi naman ako kasing sexy ni Marian Rivera pero mabuti na 'yong nag-iingat.
"Oh, andiyan ka na pala. Dumiretso ka na sa kusina. Kumain ka...nando'n ang Papa mo," sabi ni Mama na ngayon ay karga-karga ang bunso kong kapatid na one year old pa lang.
"Ok, Ma. Hinatid nga pala ako ni Ken," sagot ko naman sa kanya, ngunit hindi na sumagot si Mama. Alam kong ayaw ni Mama kay Ken dahil mas gusto niya si Xylex para sa'kin. Lage kong binabanggit si Ken kay Mama dahil sa tingin ko ay makakatulong 'yon upang unti-unti niyang magustohan si Ken.
Binaba ko ang bag ko sa may pintoan ng kwarto ko at dumiretso na ako sa kusina. Nando'n nga si Papa, kumakain. Kakauwi niya lang kasi galing sa pamamasada. Lumapit ako sa kanya at nagmano. Habang kumukuha ako ng plato at kutsara ay nagsalita si Papa, "Sumakay sa'kin kaninang umaga si Xylex."
Napatingin ako kay Papa na ngayon ay umiinom na ng tubig. Napaisip ako kung ano ang nangyari kanina habang nakasakay si Xylex sa tricycle namin. May sinabi kaya siya kay Xylex? O may sinabi si Xylex sa kanya? Hindi ko alam...natatakot ako na malaman kung meron man. Teka, bakit sumakay si Xylex sa tricyle samantalang may kotse naman siya?
"Wala naman akong ginawa sa kanya. Kinamusta ko lang siya at tinanong kung nagkakausap pa ba kayo. Sabi niya naman ay oo at ayos lang naman daw siya ngayon. Anak, kung talagang ayaw mo na kay Xylex, sana naman ay maging magkaibigan kayo. Hindi porke wala na kayo ay isasawalang bahala niyo na ang isa't isa na para bang hindi kayo magkakilala," dagdag kaagad ni Papa bago pa man ako makasagot sa una niyang sinabi. Para akong binasag na yelo. Hindi ko alam kung makakahinga na ako ng maluwag sa sinabi niya o mas lalo pa kong maninigas sa pagkakatayo. Hindi alam ni Papa na lagi kaming nagkikita ni Xylex sa school lalo na pag pinupuntahan ko si Ken sa College of Sciences. Pareho kasi silang nasa iisang College at malapit lang do'n ang classroom ko.
----------
Habang nakahiga ako sa kama, hindi mawala sa isip ko si Xylex. Oo, lage kaming nagkikita pero hindi naman kami gano'n kadalas mag-usap. Minsan kapag nasa College nila ako at nakakasalubong ko siya ay tumatango lang siya sa akin at ako naman ay ngumingiti lang ng konti. Parang ang awkward kasi sa feeling na mag-usap kami ng matagal. Minsan nga isang hapon hinahanap ko si Ken sa school dahil hindi ko siya ma-contact. Sa paghahanap ko ay nakasalubong ko si Xylex. Tumango siya sa akin at ngumiti lang ako ng konti sa kanya. Nang makalampas na siya ay humarap ako sa kanya at nagtanong, "Nakita mo ba si Ken?" Sumagot si Xylex ng pagkahaba-haba. Wala akong naintindihan sa mga sinabi niya dahil hindi ako makatingin sa mga mata niya. Ang alam ko lang ay dinidetalye niya ang mga pinuntahan ni Ken noong hapong iyon. Ewan ko ba talaga kung bakit naiilang pa din ako sa tuwing kausap ko si Xylex. Kaya madalas iniiwasan ko na lang siya kapag nasa College nila ako.
(Please leave a comment to help the author improve his writing skills)
BINABASA MO ANG
Girlfriend Mo Ex-Girlfriend Ko
Teen FictionPaano kung may mahal ka pero "ex" na lang kayo? Tapos naging sila ng malapit mong kabarkada? Ito ang kwento na para sa mga iniwan. Para sa mga hindi na binalikan. Para sa mga umaasa pang may babalik. At para sa mga nakahanap ng panibagong pag-ibig. ...