GMExGK - 9

101 2 0
                                    

Hindi na 'ko ulit nagkaroon ng girlfriend simula n'ong maghiwalay kami ni Faith. Nangako kasi ako sa kanya na siya na ang huli kong girlfriend. Nangako din naman siya sa akin na ako na ang huli niyang boyfriend...pero hindi niya nagawa. Promises are made to be broken nga daw sabi ng iba. Pero ayaw ko'ng paniwalaan 'yon. Promises are made to last. Kaya hangga't nakakaya ko, mas pinipili ko na maging tapat sa pangako na 'yon kahit mukhang wala ng saysay.  Pinilit ko na hindi na siya mahalin...araw-araw sa bawat pagmulat ng mata ko sa umaga. Pinilit ko na magmahal ng iba pero kahit anong gawin ko, kahit ano pa man ang gawin ko, siya at siya pa rin ang dahilan ng pagkapuyat ko gabi-gabi. Madaming babae na ang dumating sa 'kin, marami na rin naman ang nagkakagusto sa 'kin...isa na d'on si Shane...pero kahit anong gawin ko, si Faith pa rin ang tinitibok ng puso ko.

-----

7:34am na.  Maaga nanaman ang pasok ko dahil Monday. Naglalakad na ko papunta sa gate. Mula sa malayo ay natatanaw ko ang mga kapwa kong estudyante na ini-enspeksyon ng mga gwardya. Kailangan kasi naka-uniporme at may ID. Madaming accessories na rin ang binabawal. Mahigpit na ang University sa ano mang hindi lubhang kinakailangan. Nakikita ko nga ang ibang estudyante na nakatambay sa labas ng gate. Malamang ay hindi sila pinapasok ng mga gwardya dahil sa walang ID o kaya dahil sa kulay ng buhok nila. Malapit na 'ko sa gate nang makita ko ang isang magandang babae na naka-upo sa may sidewalk.

"Shane?! Anong ginagawa mo diyan?"

"Uy Xylex tulongan mo naman ako. Nakalimutan ko kasi 'yong ID ko."

Napaka-simpleng babae ni Shane. Classmate ko siya. Maganda, maputi, mahinhin at matalino. Disente din siya kung manamit. Halos parehong pareho nga sila ni Faith e, mas matangkad nga lang si Shane. Kung hindi ko nga lang mahal si Faith e baka siya na ang minahal ko, e muntik ko na rin siya mahalin e. Inamin niya sa 'kin na gusto niya ko no'ng isang beses na nagkaroon kami ng 'truth or dare' sa block namin.

"Naku. Anong gagawin natin, Shane?"

"Hindi ko alam. Ang layo pa naman ng bahay namin, tatlong sakayan pa, tapos may long quiz pa tayo mamayang 8am."

"Ganito...may alam akong secret passage. Nadiscover ko to no'ng may assignment tayo nong first year sa Gen. Bio. na maghanap ng paro-paro."

Hinila ko si Shane papunta sa secret passage na sinasabi ko. Seven minutes ang layo n'on kung lalakarin, nasa likod pa kasi yon at talagang tago na tago. N'ong nasa secret passage na kami, saka ko napansin na mula sa labas ng gate pala hanggang dito ay magka-hawak-kamay kami ni Shane. Napansin ko na namumula siya. Tumawa ako at inasar siya.

"HAHAHA! Sorry, di ko namalayan. Ok lang naman sa'yo 'di ba?"

"Ha?! 'Wag kang assuming. 'Di ko lang din namalayan noh."

"Pero aminin mo. May gusto ka talaga sa 'kin 'di ba?"

"Hah?! Nakakaasar ka! Gusto mo talaga na marinig ng pa-ulit-ulit noh? Pinagsisisihan ko na talaga na umamin ako nong 'truth or dare'."

Napahinto ako bigla. Pinagmasdan ko lang si Shane. Tinitigan ko lang siya...tumagal din ng isang minuto ang pagtitig ko sa kanya. Ang ganda ng babae na 'to, mabait, matalino at mahinhin pa. Buti pa ang babae na 'to, minamahal ako samantalang ang mahal ko, may mahal nang iba. Nakaramdam ako bigla ng sobrang lungkot. Lungkot para sa lahat ng bagay na dapat ginawa at sinabi ko kay Faith ngunit hindi ko nagawa at nasabi n'ong may pagkakataon pa. Lungkot dahil naalaala ko nanaman siya, 'yong babae na hindi ko na matatawag na akin.

Pero heto ang isang babae. Nakatayo sa harapan ko...nagmamahal sa akin. Hindi ko alam ang pumasok sa isip ko pero bigla ko na lang niyakap si Shane. Sa pagkakataong 'to bigla akong nakaramdam ng ginhawa...ginhawa na sana hindi na mawala...ang sarap sa pakiramdam. Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap ko kay Shane, pinikit ko ang mga mata ko pero mukha ni Faith ang nagflash sa screen ng utak ko.

"Ah? Xylex?? Kung may masama kang balak sa 'kin...please...ayaw ko pa mawala ang virginity ko. Gusto ko muna magtapos please."

"HAHAHA! Now who's being assuming?"

"Assuming ka diyan! Bitiwan mo na 'ko. Ano ba'ng problema?"

"HAHAHA! Wala ah."

Bumitaw nga 'ko sa pagkakayakap ko kay Shane. Pulang-pula ang mukha ni Shane, ang puti-puti niya kasi kaya grabe din siya kung mag-blush kaya mas lalo ko pa siyang inasar. Habang pumapasok kami sa secret passage papunta sa University ay walang tigil din naman ang paghampas sa 'kin ni Shane. Kahit papaano nagpapasalamat ako sa babaeng ito. Tinuturuan niya ko na hindi kailangan ng relasyon para maging masaya.

Girlfriend Mo Ex-Girlfriend KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon