GMExGK - 10

101 3 1
                                    

"Time's up. Pass your papers forward."

Sabi ng teacher namin. Nagsusulat pa 'ko ng sagot sa huling number pero 'yong katabi ko ay nagsasalamin na at naglalagay ng foundation. Abamatinde talaga 'tong bestfriend kong si Clarisse! Kalmado lang ang exam. Sa bagay, siya naman ang top 1 e. Nang matapos ko na ang exam, ipinasa ko sa harap ang papel ko at bumalik sa aking upuan.

"Faith, may suklay ka ba?", tanong sa 'kin ni Clarisse.

"Wala e. Magkano magpa-rebond sa'yo?

"Huh? Ano konek non?"

"Ah wala. Akala ko kasi feeling mo salon 'to e."

"Ang corny mo ha. Promise!"

Aasarin ko pa sana si Clarisse nang may marinig akong pamilyar na boses. Tumatawa siya...at may kasama. Lumingon ako sa bintana, sinusubokan ko'ng hanapin ko kung kanino nanggagaling ang pamilyar na bose na 'yon.

Si Xylex pala. Nakakatuwa namang makita siyang masaya. Pero sino 'yong kasama niya? At bakit dalawang sila? Biglang bumagsak 'yong tuwa na naramdaman ko kanina. Ano ba 'tong pakiramdam na 'to?! Sino kaya 'yong babaeng kasama niya?! At bakit sila magkasama?! Bigla ko'ng naalala 'yong pag-uusap namin sa Jollibee n'ong isang araw

---$#@%

"OK lang naman dito sa Jollibee. Pero kahit gaano kabida ang saya dito, mas gusto ko na 'yong McDo kasi love ko to."

"Paano mo ba masasabing love mo ang isang bagay kung hindi naman bida ang saya d'on?"

"Bida pa ba ang saya d'on kung wala na ring love?"

"Paano mo masasabing wala ng love?"

"E paano mo masasabing masaya ka pa?"

"Masaya ako dahil may love ako."

---%@#$

Maaari kaya na 'yong tintukoy niya sa huling sinabi niya ay 'yong babae na kasama niya? Siguro siya 'yong babae na nagpapasaya kay Xylex ngayon. Sa bagay, kitang-kita naman sa tawanan nila. Matagal na kaya siya dito? Kaya siguro hindi niya na rin ako hinabol no'ng nag-break kami kasi may nagpapasaya na sa kanya. Haaaaay...AY TEKA! Bakit ko ba iniisip 'to? Masaya naman ako at masaya na rin siya, ano pa ba ang problema ko? Wala. Tama...wala...kaya erase erase na rin 'yon. Ano ba'ng paki-alam ko kung may bago na rin siya. Hindi naman big deal sa'kin 'yon. Bumibigat ang dibdib ko. Mukhang hindi ata sang-ayon ang puso ko sa sinasabi ng utak ko.

"Hoy Faith!"

Oh, bakit Clarisse?"

"Kanina ka pa nakatulala diyan sa bintana e. Lalim ng iniisip, Friend, ah? Nakita ko kung sino 'yong dumaan."

"Ha? Ah?! Nakita mo? Sino?"

"Edi si Kuya Xylex na may kasamang babae."

"Oh? Hindi ko napansin. Bago lang?"

"Wag na magmaang-maangan, Friend. My Amnesia Girl lang ang peg? Hindi bagay sa'yo."

"Ha? Ah...kilala mo kung sino 'yong babae?"

"Ay interisado? Alam ko na 'to e. Para ka'ng bintana ng classroom na 'to."

"Bakit naman?"

"Jealous-eh."

"Jealous ka diyan. Wala naman akong paki-alam do'n noh!"

"Oh eh ba't ganon ka na lang makatulala sa bintana at ba't mo pa tinatanong kung sino 'yong girl?"

"Wala lang. Masama ba?"

"Hindi naman. Pero masama 'yong magmahal ng sabay Friend."

"Friend ba talaga kita? Inaaway mo na ko niyan ah."

Naku! Sorry Clarisse ha. Kailangan ko munang magsinungaling ngayon. Ikaw pa tuloy ang lumalabas na mali. Ang totoo hindi ko rin maintindihan kung ano ba talaga 'tong nararamdaman ko. Jealousy? Paanong jealousy e hindi ko na nga mahal si Xylex. Aaaah...hindi ko na nga ba mahal si Xylex? Naku ewan! Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Hindi pwede 'to. Matapos niya ko'ng iwan at saktan...ayoko na. At isa pa, mahal ko si Ken. Hindi ko kaya na saktan siya. Siya na ang mahal ko ngayon at masaya na ko sa kanya...pero ba't ganito? Parang may hinahanap pa 'ko. Parang...ewan!

 "Pahiram nga ko ng cellphone mo." Hinablot ko ang cellphone ni Clarisse na gagamitin niya sana para mag-selfie. Ang vain talaga ng bestfriend 'kong 'to.

Girlfriend Mo Ex-Girlfriend KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon