Naka-higa ako sa sahig ng rooftop namin. Nakatulala. Pinagmamasdan ang mga bituin...ang buwan...ang sarili ko na pinipilit kayanin ang bigat ng pakiramdam na dinadala ko dahil alam kong may nararamdaman pa rin siya sa kaibigan ko, na ex-boyfriend niya. Tumutulo ang luha ko. Sumisikip ang dibdib. Kumikirot. Ang sakit sakit. Alam kong mahal ako ni Faith...pero nararamdaman ko din na mahal niya pa din si Xylex. At kung magloloko ang tadhana, baka iwan niya din ako para kay Xylex. Dapat siguro hindi ko nalang niyaya si Xylex na umupo sa tabi namin ni Faith....edi sana hindi na ko nasaktan sa pinag-uusapan nila kanina...alam kong may laman lahat ng sinasabi nila kanina, they were arguing over Jollibee and McDo pero alam ko...ramdam ko na hindi lang 'yon.
___
"OK lang naman dito sa Jollibee. Pero kahit gaano kabida ang saya dito, mas gusto ko na 'yong McDo kasi love ko to," sagot ni Faith no'ng tinanong ko siya kung alin sa Jollibee at McDo mas masarap kumain.
"Paano mo ba masasabing love mo ang isang bagay kung hindi naman bida ang saya d'on?" Biglang tanong naman ni Xylex kay Faith.
"Bida pa ba ang saya d'on kung wala na ring love?"
"Paano mo masasabing wala ng love?"
"E paano mo masasabing masaya ka pa?"
"Masaya ako dahil may love ako."
____
Mas lalo pa 'kong nasaktan n'ong nanuod kami ni Faith ng bagong movie ni Sarah at Coco. Iyak ng iyak si Faith sa mga part na umiiyak si Sarah. Pakiramdam ko nakikita niya 'yong sarili niya kay Sarah...at 'yong thought na 'yon...ang sakit sakit. Niyakap ko lang si Faith sa buong movie, gusto 'kong iparamdam sa kanya na hindi niya na kailangan ng iba, na nandito ako para sa kanya ano man ang mangyari...kahit masakit na, kahit ang sakit sakit na.
#What would I do without your smart mouth?
Drawing me in, and you kicking me out
You've got my head spinning, no kidding, I can't pin you down#
Nagriring ang phone ko...si Faith pala...tumatawag. Hindi kasi siya mahilig magtext, gusto niya sa tawag lang nag-uusap sa phone para personal daw.
>Hello Chubby ko?
>Oh Beng-beng ko buti tumawag ka. Nalulungkot kasi ako e.
(Chubby ang tawag sa 'kin ni Faith kasi 'yon 'yong binigay ko sa kanya no'ng nakita ko siyang umiiyak sa ilalim ng puno sa school. 'Yon 'yong time na nakipag-break siya kay Xylex. Beng-beng naman ang tawag ko sa kanya kasi 'yon lage ang binibigay niya sa'kin na peace offering 'pag nagkakatampohan kami)
>Bakit ka naman malungkot?
>Wala lang. Namimiss lang kita.
>Kanina lang tayo nagkasama na-miss mo na ko agad?
>Siyempre ganon kita kamahal.
>Mahal din naman kita. Muah! Ayan na-kiss pa kita ha.
>Beng-beng ko?
>Oh bakit Chubs?
>'Wag mo 'kong iiwan ha.
>Bakit mo naman sinasabi 'yan? Siyempre 'di talaga kita iiwan. Loves na loves kita e.
>Promise?
>Promise.
(narinig ko na sa kabilang linya ay may biglang sumigaw)
>Faith matulog ka na. Gabi na 'to.
>Oh matulog ka na. Pinapatulog ka na ng mama mo.
>Osige na. Good night Chubs! I love you.
>Good night din Beng. I love you so much.
teet*teet*teet
Nilagay ko ang cellphone ko sa may ulunan. Nakatulala pa rin ako sa bituin. Iniisip ko na sana hindi kami magkahiwalay ni Faith nang biglang may dumaan na falling star. Hindi ako naniniwala na sa sabi-sabi ng iba na dapat daw nagwiwish sa falling star kasi nagkakatotoo daw 'yong wish kasi ang Diyos lang naman ang makakabigay ng mga hiling natin...pero despirado na ko. Pinagdikit ko ang magkabilang palad ko at ipinikit ang aking mga mata...SANA FOREVER NA KAMI NI FAITH!
BINABASA MO ANG
Girlfriend Mo Ex-Girlfriend Ko
Teen FictionPaano kung may mahal ka pero "ex" na lang kayo? Tapos naging sila ng malapit mong kabarkada? Ito ang kwento na para sa mga iniwan. Para sa mga hindi na binalikan. Para sa mga umaasa pang may babalik. At para sa mga nakahanap ng panibagong pag-ibig. ...