11:37 na. Sinundo ako ni Ken sa classroom namin. Paglabas ko ng classroom ay kinuha ka'gad ni Ken ang shoulder bag ko na punong puno ng mga textbook at ng mga novels na binabasa ko. Ang sweet sweet talaga sakin ni Ken. Parang siya 'yong lalaki sa binabasa kong novel. Pilyo pero mabait. Masungit pero sweet. Gwapo pero di mayabang.
"Pretty Girl, sa'n mo gustong kumain?"
Napangiti ako sa pagbati niya sa 'kin. Kinaganda ko nanaman 'to.
"Kahit saan lang basta may makakain," pa-demure kong sagot sa kanya.
"Kahit sa basurahan?"
"Go! Game ako diyan! HAHAHA!"
"Itapon kaya kita sa basurahan!"
"Ang sama mo talaga! Bakit naman?!"
"Para ikaw na lang ang kainin ko."
"Yaks ka Ken! Tigilan mo ko ha!" Sabay hampas at tulak ko sa kanya ng buong pwersa. Akala niya ha.
"Aray! Ang sakit n'on aa!" Hinawakan niya ang braso niya. Mukhang masakit nga.
"Masakit talaga! Love hurts kasi!"
"I love you!"
"OUCH!"
"Oh bakit?
"Love hurts nga kasi." Sabay tawa naming dalawa. Ganito talaga kami mag-usap. Napaka-ordinary at hindi mawawala ang asaran. Para lang kaming magkaibigan. Ganon naman talaga e, kaya nga girlFRIEND, boyFRIEND ang tawag sa magkarelasyon.
Dinala ako ni Ken sa paborito niyang kainan - JOLLIBEE - kung saan bida ang saya. Na-upo na ko sa upuan habang siya ay pumila para mag-order. Ang dami ng tao ngayon, lunchtime kasi, kaya sigurado matatagalan si Ken sa pila. Tumingin tingin ako sa paligid, sa mga naka-upo sa ibang lamesa, sa mga dumadaang tao. Alam ko na wala akong hinahanap na tao, pero parang may gusto akong makita. Binaling ko na lang ang paningin ko sa aking lamesa. Ano 'to?! Napansin ko na sa gilid na parte ng lamesa ay may nakasulat...kulay blue ang tinta. Ito?! Naaalala ko to...hindi pa rin pala nabubura.
--###ooops. YEY naka-5 chapters na ko! Sa next chapter ko na itutuloy kung ano ang nakasulat sa lamesa at kung ano ang naalala ni Faith dahil dun. ANO NGA KAYA?! Di ko pa rin talaga alam. Sabay-sabay nating alamin sa next chapter. :) leave comments pls :) GOD bless you! :)
BINABASA MO ANG
Girlfriend Mo Ex-Girlfriend Ko
Teen FictionPaano kung may mahal ka pero "ex" na lang kayo? Tapos naging sila ng malapit mong kabarkada? Ito ang kwento na para sa mga iniwan. Para sa mga hindi na binalikan. Para sa mga umaasa pang may babalik. At para sa mga nakahanap ng panibagong pag-ibig. ...