GMExGK - 11

97 2 0
                                    

Sakto lang ang dating namin sa classroom ni Shane. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa reaction ng mga blockmates namin, nakatitig kasi silang lahat sa amin. Wala namang nagsalita pero bakas sa mga mata nila ang masamang paghihinala kung bakit magkasama kami ni Shane. Palibhasa alam nila na may gusto sa 'kin si Shane. Naunang umupo si Shane sa upuan niya sa may likod ng classroom. Samantalang ako naman hindi alam kung saan mauupo dahil inupuan na ng siga kong classmate ang upuan ko. Nagkataon naman na may bakanteng upuan sa pinakalikod ng classroom kaya hinila ko na lang ito papunta sa tabi ni Shane. Sakto pag upo ko e magsisimula na rin ang klase dahil sa dumating na rin ang prof naming nakakaantok magturo. Napansin kong nagsusulat si Shane, pero hindi yung nilelecture ang sinusulat niya. Sumilip ako ng konti para hindi mahalata. Diary? Uso pa pala sa mga babae ngayon yun?

"Ano ka ba?", sabi niya sabay hampas niya sa 'kin ng notebook.

"Oh bakit?"

"Bakit ka diyan! Nambabasa ka ng diary e!"

"Tinitingnan ko lang yung writing mo noh. Tungkol san ba yan?"

"Wag mo nang alamin. Hindi naman mahalaga sa'yo to e."

"Mas mahalaga pa ba yan sa pagkabayani ni Rizal?"

"Gusto mo bang patayin kita katulad ng kay Rizal?"

"No. But you can kill me in a most romantic way."

"Diskarte pa more! Wala ka namang gusto sa'kin e."

Natahimik ako sa sinabi niyang 'yun. Bat ko nga ba siya sinasabihan ng ganon? Nag-iisip pa din ako nang magvibrate ang cellphone ko na nakasuksok sa kaliwang bulsa ko. Si Clarisse?

        .Clarisse: "Hi Kuya!"

        Me: "Hi Clarisse! Napatext ka aa?"

Hindi naman kami ganon ka-close ni Clarisse pero nagkakatext kami minsan.

        .Clarisse: "Sino 'yung kasama mo kanina, Kuya?"

        Me: "Haha! Bakit?"

Nakita niya pala kami kanina ni Shane. Sa bagay kasi nadaanan namin kanina 'yung classroom nila ni Faith nong papunta kami kanina sa building namin.

        .Clarisse: "Wala naman po, Kuya. Sino nga?"

        Me: "Girlfriend ko."

Sinabi ko na lang na ganon para tumigil siya. Ang kulit kasi ni Clarisse e. Ooops. Teka! Bestfriend nga pala siya ni Faith! Baka mabanggit niya pa kay Faith 'yon! Naku po! Teka? Bakit ako magwoworry e ano naman kay Faith kung malaman niya 'yon kahit na joke lng?

        .Clarisse: "Sigurado po Kuya?"

        Me: "Opo. Bakit?"

        .Clarisse: "Wala naman po Kuya. Cge po. Bye. May klase na po kami."

Bakit kaya natanong ni Clarisse 'yon? Interisado? Binalik ko ule ang cellphone ko sa kanang bulsa ko. Napansin ko na kanina pa nakatingin si Shane sa 'kin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko na hindi siya ma-ooffend kaya sinagi ko na lang siya ng siko.

"Uy OK ka lang?", sabi ko sa kanya matapos ko siya sikohin sa may tagiliran. Nagulat siya at di alam ang gagawin.

"Aray! Oo naman. May iniisip lang ako."

Girlfriend Mo Ex-Girlfriend KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon