March 26, 2014 my first solo date, why? Kasi nung mga unang ex ko ay di kami nagdadate pag walang kasama na babae or lalaki kasi ayoko talaga kasi sabi nila may pg first date may first kiss may kung ano ano kaya sinasama ko talaga yung mga kaibigan ko para walang solo moment ayoko kasi ng ganun e. Pero nung araw na iyon ay solong solo namin ang isa’t-isa medyo awkward talaga kasi eh para kaming di sanay sa ginagawa naming eh dati naman nagagawa namin kumain sa labas ng kami lang, pero nung araw na iyon parang may mga kaba sa aming dibdib na isang pagkakamali lang ay parang matuturn-off ang bawat isa samin.
Nagkita kami sa Zabarte Mall, Naka polo ako na white sya naman hindi ko alam kung anong suot hindi naman nya sinabi sa text nya eh. Nagtext ako “Asan kana?” sabi nya “Dito second Floor tumitingin ng CD tapat ng tronix” edi hinanap ko sya at may nakita akong naka blue polo matangkad. Lumapit ako na may ngiti sa mukha ko. Noong palapit na ako kinalabit ko sya at Tumakbo palayo kasi kinakabahan ako talaga. Hinabol ako tapos sabi nya. “Bat ka tumatakbo?” sabi ko naman “Wala nahihiya ako!” (actually nahihiya na talaga ako noon kasi kinakabahan talaga.)
Nag-usap kami na sa SM Fairview muna kami pumunta. Noong nasa jeep kami chaka ko lang napansin na bagong hair color nya. Kala pa nga nya napansin ko na kanina pa, pero napansin ko nalang iyon noong nasa jeep kami.
Nang nakarating na kami sa SM Fairview, tinanong ko muna sya kung ano ang gusto nyang unahing gawin, pero total ako naman talaga ang nag aya sa date namin na iyon. (Ano ba naman alam nya diba first gf ako eh <3 ) Una naming ginawa ay nagpapicture sa Picture City, SM Fairview. Ayaw pa nga nya noong una kasi parang nahihiya sya. Eh Gusto ko kaya wala syang nagawa haha! Ayun nakapagpicture nga kami noong nasa loob kami yung photographer pinagtritripan ba naman kami? Haha pero okay lang naman iyon kasi Date yun eh dapat Masaya!
Sunod naming ginawa ay mag DDR sa Quantum. Mawawala ba iyon? HINDI AH! Kami paba? Sabi nga nya were the King and Queen of DDR. Diba ang saya? Kung anu-ano pinaggagawa namin, nag Just Dance din kami take note KAMING DALAWA LANG HAHA! itsura naming nun diba? Pero Masaya talaga kahit pawala wala sound sumasayaw padin kami ganyan kami eh Enjoyin lang ang life.
Next na pinuntahan namin ay KFC nagutom na kami eh. Kinain naming Flavor Shots! Wow! Grabe ang daming chicken chaka sulit kasi may extra rice at mash potato pa kami. Kwentuhan todo max at nagtatanungan kung saan ang next na pupuntahan at ano ang susunod naming gagawin. Napagdesisyunan naming kunin muna ang picture namin sa Picture City at manonood kami ng tig 25 na Film Fiesta.
Di namin akalain na “DRACULA” ulit ang movie pero pinagtyagaan naming kasi naalala namin yung Movie date naming eh. Yan din yung movie kaya harutan plus kwentuhan ang peg namin.Nakatulog pa nga sya eh pero bago iyon, may ginawa syang ikinabigla ko. Hinalikan ako sa lips tapos ngumiti lng sya sakin. Ako naman parang bata para unti-unting nadudulas pababa sa inuupuan ko nun sa sobrang pagkabigla.
Ang galing ganun pala ang pakiramdam nang kiss ng taong mahal mo. Nakakakilig ang mg tagpong iyon parang ayoko nang matapos, ngunit patapos na ang sine tulog sya. Ginigising ko sya! Sabi ko” Hon gising na! Tapos na oh” para nga kong bata.
Ayaw talaga magising eh baka nag tutulog tulugan lang to. May ginawa ako na ewan ko kung papalpak nun. Hinalikan ko sya sa lips! Ngunit di padin sya nagising. Sabi ko nalang mukhang nananadya ito, pero baka naman talaga tulog talaga. Edi ang ginawa ko inaalog ko na sya sabi ko “Uy gising! Tapos na ang sine” sabi ba naman “anong oras naba? Maya mo na ko gisingin.” Nasa isip isip ko nun ayaw mong magising ah. Inapproach ko sya “hon” sumagot naman sya, ayaw mo ba magising (biglang kiss sa lips) sa sobrang hiya nya napayuko nalang sya. (ang dami kong tawa nun kasi naman eh antuking bata hoho) Kinikilig pala ang antukin haha ang cute nya matulog parang bata :3 !
Tapos na ang sine, sinabi ko sakanya yung ginawa ko habang tulog sya. Hindi sya makapaniwala kasi tulog nga naman sya wala sya mararamdaman kung sakali diba.
Pumunta na kami sa Fairview Terraces! Libot libot, inikot, tumingin sa mga shop dun hanggang sa Makita naming ang isa naming kaklase na si Jazz nagpapicture kami sa ate nya at ayon ang saya saya. After Fairview Terraces sa bahay naman nila Anthony kami kasi Death Anniversary daw kaya may handa.
Ito na ata ang pinaka maganda at masayang araw ngayong 2014 sana marami pang magandang mangyari kasama sya ngayong 2014 at sa ibang taon! Si Anthony kasi ang tipo nang tao na di ko na kaya pakawalan kasi nakakabit na sa puso ko. <3
BINABASA MO ANG
The Love Story of Marissa Gomez
RomanceSino mag aakala isang babae maiinlove sa taong di naman nya close dati, Subaybayan ang kwento ni Marissa at kung paano nya nabuo ang love story na akala nya na hindi mangyayari sakanya. <3