Chapter 5 : Miss Me ?
Maldita's POV
After namin kumain sa cafeteria we decided to go back to our class. Siguro naman tapos na yung time ng chaka naming professor kanina. Boring na kasi masyado sa cafeteria. Wala na akong pwedeng malditahan kaya babalik nalang ako sa room. Sayang lang ang GANDA at kamalditahan ko kung hindi ko naman magagamit.
"By the way Mika ano nga palang gagawin mo pag nagkita kayo ng hubby mo. " tanong sa akin ni Faye habang naglalakad kami. Napahinto naman ako sa tanong nya.
Duh? Kailan pa ako nagkaroon ng hubby? Tss.
Pero Faye has a point ano nga ba ang gagawin ko pag nagkita kami.
" Edi ano pa ba since hubby slash boyfriend slash future husband nya yun dapat i-entertain nya. Diba?? Yung parang caring na girlfriend sa hot na boyfriend ang peg! Ganern!! " Kinikilig na sabi ni Louis tapos ngumiti sya ng nakakaloko habang nakatingin sa akin.
Napataas ang kilay ko sa sinabi nya at tinignan ko sya ng masama.
Nabuhay na naman ang kamalditahan sa pag katao ko dahil sa narinig ko.
" Ang bright mo talaga Louis! Dahil sa idea mo na yan ginising mo na naman ang natutulog na kamalditahan ko. Eh kung burahin na kaya kita sa mundong ito nang mawala ka na sa paningin ko?? Like duh? Ako? As in Me, The one and only gorgeous maldita will entertain that stupid brother of yours? Never in your dreams!! " Mataray na sabi ko sa kanya. Nag make face naman habang nakapout l gaga.
" Eh bakit ba kasi ang Arte Arte mo? Like duh to the fifth power!! Ang hot kaya ni brother Tristan, Tapos kung itsura lang labanan talbog lahat ng poging nilalang na nabubuhay sa mundong ito. Tapos ang gentleman at humble nya pa! Plus Basketball player rin sya! Magaling na sa sports magaling pa sa kama. Ohh diba all in one? May Daniel P. kana may James R. ka pa plus Alden R. and Enrique G.!! Tapos shenarte shenarte ka pa dyan bruha ka! Baklang to." Sabi naman ni Louis habang naka cross arm na nakatingin sa akin.
( Shenarte - Babaing nag iinarte )
Tinaasan ko naman sya ng kilay at akmang sasapakin. Lumayo naman ang gaga at pinagcross yung daliri nya at tinutok sa akin sabay sabing
"Wag nyo pong hahayaan na masaktan ang dyosang tulad ko ng isang malditang tulad nya."
Gaga to! Anong tingin nya sa akin? Kampon ni santanas? Masamang engkanto? Masyado naman akong hot at maganda para maging alila at kampon lang. Tss
Humarap ako sa kanya at tinaasan sya ng kilay.
"Si Tristan hot? Oo ang hot talaga ng kapatid mong yun! Sa sobra nya ngang hot kumukulo at nag-iinit ang dugo ko pagnakikita ko sya. Tapos ano? Pogi yun, saan banda? Eh kung ngumiti nga yung Tristan na yun mukhang baliw na aso! Tapos kailan pa naging Gentleman yun? Eh wala nga sa bukabularyo nun ang salitang gentleman! Sa kama lang yun gentle pero sa totoong buhay hindi! And what? Humble? Eh hindi ko nga mareach ang kahambugan at kalakihan ng ulo ng kup*l mong kapatid. Sobrang kapal kaya ng mukha noon! Mas makapal pa sa times 3 ng great wall of China! Hindi ako papayag na ang tulad kong maganda at dyosa sa tulad nya lang mapupunta! " Mahabang sabi ko sa kanya sabay hinga ng malalim.
Maarte na kung maarte pero ..
NO! NEVER! Kahit sya nalang ang nag-isang lalaki sa universe , hinding hindi ako papayag na maging GIRLFRIEND nya o kahit kaibigan man lang nya!
"Grabe Mika ha. Galit na galit kay Tristan? Bakit ba G na G ka sa twin brother ko? At kung makaarte ka dyan ah parang luging lugi ka sa kapatid ko ?" Tanong ni Louis sa akin.
"Anong pakialam mo kung galit na galit na ako sa kapatid mo? Akala mo ba nakalimutan ko na yung mga panggugulo nya sa buhay ko. At kanina ko pa napapansin na todo push ka sa kapatid mo para maging jowa ko? Yung totoo mag kano binayad nya sayo? Kung gusto mo ikaw nalang ang maging girlfriend nya. " Sabi ko sa kanya.
"Eww. Anong tingin mo sa akin? Chakang nilalang na pumapatol sa kapatid? Yuck! Thanks for the offer sis pero loyal ako sa taong mahal ko, my man of my dreams, my inspiration. Lalo na ngayon na nag i-improve ang love life ko!! Kyaaaaaaaa!!! " Kinikilig na sabi ni Louis habang hinahampas ako sa balikat.
Aray ha.
"Isa pang hampas sa akin Louis at mababalian ka ng kamay." Sabi ko sa kanya sabay tingin ng masama.
"Taray mo naman. Pero my gosh! Hindi parin ako makapag move on sa mga nangyari. Kyaaaaa kinikilig talaga ako." Kinikilig na sabi ni Louis
Ano na naman kayang naganap sa buhay ng bruhang ito?
"Something happened??" Boring na tanong ni Faye habang seryosong nakatingin sa kanya.
Todo tango naman si Louis with matching palakpak pa.
"Don't be surprise guys. H-he h-he said that. He said that I'M SUPER MAKULEEEEEEEET!! My gosh kinikilig akoooo"
THAT'S IT??? YUN LANG YUN??
Napa face palm nalang ako sa sinabi ni Louis. Napabuntong hininga nalang si Faye dahil sa ka oa-yan ng babaitang ito.
( - , - )
Sabi ko na nga ba talaga na may sira tong bruhang to eh 😒
" Eh ano namang masaya dun? It's not a compliment Louis! It's an insult duh? Gumagana ba talaga yang utak mo? Oh puro ganda nalang yang pinaiiral mo?? " Mataray na sabi ko sa kanya.
Hindi naman natinag si Louis sa sinabi ko. Bongga! Ang taas talaga ng fighting spirit ng isang to.
" I don't care about your thoughts Mika basta ako naniniwala ako na mapapasaakin din sya balang araw! Mapapasaakin ka rin Sander! " Sabi ni Louis sabay halakhak.
( - , - )
Matindi na talaga ang sira ng ulo nitong babaitang to. Siguro kailangan na namin ipacheck itong babae na ito baka nasisiraan na eh. Malapit na kami sa room namin nang biglang nagtilian yung mga chakang students na nagkukumpulan sa likod ko.
Problema ng mga chakang to? Nagkatingan naman yung dalawa sabay tingin sa likod namin.
" Oh my! Baka may hot papalicious doon kaya sila nagtitilian!! Gusto ko makita! " Excited na sabi ni Louis.
Napatingin naman ako sa kanya tapos tinaasan ko sya ng kilay.
Akala ko ba loyal sya sa man of her dreams nya?
" Hoy Mika! Alam ko kung ano ang iniisip mo! Hindi pa naman kami kaya pwede pwede pa akong umawra! " Depensa nya.
" Whatever! " Mataray kong sagot sa kanya. Nag start na ulit kaming maglakad ng biglang may nagsalita sa likuran namin.
" Hi Wife!! "
( O . O )
Oh. My. God!!!! T-that t-that v-voice
Dahan dahan akong lumingon sa likod ko.
" Miss me? " Nakangisi nyang tanong sa akin.
OH . MY . GOD!
THIS IS NOT HAPPENING!!
YOU ARE READING
His Crazy Maldita Girlfriend
Teen FictionMikaella Francine Dela Vega ang babaing walang kinatatakutan , walang kinikilingan gusto mag maldita lamang. What if mahanap nya ang kanyang katapat ?? Handa ba syang matanggap ang chaka nyang pagkatalo?? Handa na ba syang umiyak at maging chaka for...