Chapter 2 : Circle Of Magaganda

131 5 0
                                    

Chapter 2 : Circle Of Magaganda

Maldita

"What a dramatic scene. Hindi talaga makukumpleto ang araw ng maldita pag wala syang namamalditahan." Boring na sabi ni Faye habang nakatingin sa librong binabasa nya.

Faith Mandy Villa Torre
Maganda, mayaman at matalino. She was known as the Snob Brat of the campus. Though she's a snob brat, she always ranked number 1 pagdating sa academics sa campus at walang sino man ang nakakatalo sa kanya. Some of the girls here in our campus ay sobrang hinahangaan sya because she has the beauty and brain na talagang kaiingitan mo ng sobra. She's the Heiress of Dela Torre's Company.

"And so? Kailan pa naging pakialamera ang snob brat na tulad mo? Kung na iingit ka gawa ka rin ng eksena mo." Mataray na sagot ko sa kanya sabay upo sa upuan ko. She just gave me a bored look sabay balik sa pagbabasa nya.

" Ay iba! Nagmamaldita naman si Mayora. Try mo kayang mag chill chill paminsan minsan. Ikaw rin, baka isang araw magulat nalang kami chaka ka na. " Sabi naman ni Louis habang naka tingin sa kamay nyang bagong manicure lang.

Louis Anne Hernandez
She's the Sweetheart of the campus. Sya ang babaeng maganda na may pagkalokaloka at mahilig mag drama. She's the captain ball of the volleyball team. Kung si Faye at hinahangaan ng mga kababaihan, Si Louis naman ang hinahangaan ng mga kalalakihan because of her beauty and angelic face.  Pero wag kayong mag papaloko sa mala anghel nyang mukha. Dahil sa likod ng mala anghel nyang mukha nakakubli ang mala demonyo nyang ugali. Mabait man sya sa inyong paningin, may pag ka bitch pa rin.

" Paki mo? Kilala ako bilang maldita, natural  mag mamaldita ako. Alangan naman mag ala anghel, sweetheart at pebebe ako tulad mo. Tanga lang tss. " Sabi ko sa kanya. Bigla naman nawala ang ngiti sa labi ni Louis.

"Aw ang sakit mo naman mag salita frenny. Parang hindi tayo magkaibigan. Bakit ganyan ka sa amin. Kung ituring mo kami parang alila lang. Anong tingin mo sa amin? Walang pakiramdam? Wala ka ba talagang puso? Huhuhu I can't take this anymore Faye. I really can't." Madrama nyang sabi sabay may pag hampas hampas pa sya sa dibdib nya.

Here we go again...

"Tigil tigilan mo nga yang kadramahan mo Louis. Hindi bagay sayo kaya tumigil ka na bago pa kita mahampas ng libro hanggang sa mamatay ka!" Mahinahon kong sabi sa kanya sabay labas ng libro galing sa bag ko.

"Oo na, oo na eto na titigil na! Palaging mainit ang ulo ha? Ang Arte arte kala mo maganda" Bulong nya kaya sinamaan ko sya ng tingin.

His Crazy Maldita GirlfriendWhere stories live. Discover now