Chapter 8 : Consequence
Maldita's POV
Nandito ako ngayon sa loob principal's office.
Oh? Na sad kayo kasi akala nyo nag date kami? Oh come on 😒 Wag kayong chakang tanga tss.
" Ms. Dela Vega hindi na talaga namin mapapalagpas ang ginawa mong ito. Kailangan ka na talaga naming isumbong sa tatay mo. I already gave you a chance na mag bago pero patuloy ka pa ring nakikipag away sa mga estudyante dito. Kung gusto mo Ms. Dela Vega we'll going to find a school that will surely fit to you. A school that tolerate your behavior and your attitude, yung school na pwede kang makipag away at mangulo ng walang pumipigil sayo. " Sabi ni Mrs. Minchin sa akin.
Napaka pakialamera talaga nitong matandang hukluban na to. At ang kapal ng mukha ng gurang na to na pagbawalan at pagsabihan ako kung ano ang dapat kong gawin.! akala mo kung sino tong chakang to!
Humanda ka sa aking bruhang hukluban ka!!
" Hoy chakang gurang! Wala kang karapatan na pag sabihan at pag bawalan ako sa mga bagay na gagawin ko. Principal ka lang dito! Ako, anak ng may-ari ng school na ito! Matutong kang lumugar dahil kung hindi ako ang maglulugar sayo sa simenteryo!! Gagang to! Akala mo kung sino! Eh kung ikaw kaya ang ihanap ko ng school na pwede mong lipatan. Pasalamat ka ngang hukluban ka at hindi pa kita pinatatanggal sa school na ito. Panget na to! " Sabi ko sa kanya.
Bwisit tong tanda na ito! Hindi pa nga ako nakaka get over sa chakang chismosa kanina may chaka nanamang umeeksena. Yung totoo? Araw ata ng mga chaka ngayon.
" Ang sama sama talaga ng ugali mong bata ka! Wala kang galang! Baka nakakalimutan mo na ako parin ang principal sa school na ito at estudyante ka lang! " Sigaw nya sa akin sabay duro.
Aba't sumusobra na tong gurang na ito ha 😡 . Who the hell is she para duruan ako at sigawan ako sa school na pagmamay ari ng daddy ko.
" HINDI KO ALAM KUNG TANGA KA O SOBRANG TANGA? NATURAL MASAMA ANG UGALI KO KASI NGA MALDITA AKO! ANO NAMAN KUNG PRINCIPAL KA DITO? EH KAYA KA LANG NAMAN NAGING PRINCIPAL DITO DAHIL SA SPECIAL ABILITY MO! ISA KANG SIPSIP NA PANGET! STRAW! PLASTIC!! KAYA KUNG AYAW MONG MASUNOG , MANAHIMIK KA! YOU DON'T HAVE THE RIGHT PARA SIGAW SIGAWAN AKO SA SCHOOL NG DADDY KO! CHAKANG TO! " Sigaw ko sa kanya habang nakapamewang sa harapan nya.
Kala nya hindi ko sya papatuluhan ha. Kala nya lang yung. Ang kapal ng mukha ng tanders na ito ha.
" Hindi ko talaga ito mapapalampas Ms. Dela Vega. " Sabi sa akin ni Mrs. Minchin
Pake alam ko 😒Walang patutunguhan tong usapan na to kaya naman aalis na lang ako. Tumayo na ako para lumabas.
" Where do you think you're going? " Tanong ni Mrs. Minchin sa akin.
" Tanga ka talaga no? Papunta akong pintuan, ibig sabihin lalabas ako. My gosh! I really hate Bobang nilalang like you! " Sabi ko sa kanya sabay flip ng hair ko.
Nagulat ang chakang si Mrs. Minchin sa sinabi ko.
" Mika. " May halong pagbabanta na tawag sa akin ni Tristan.
Napatingin ako sa kanya. Oh, Andito pa pala tong kumag na ito. Akala ko kinain na ng lupa to eh.
" Bakit? Tinanong nya ako kaya sinagot ko sya! Kasalanan ko na naman ba na tanga sya? " Tanong ko sa kanya.
Lumapit si Tristan kay Mrs. Go tapos may sinabi syang kung ano ano.After nilang mag-usap hinila na agad ako ni Tristan paalis.
Aba't! Bastos tong lalaki na to ha!
Kung makahila naman to parang hindi ako magandang babae 😒
" Hoy kumag! Saan mo na naman ako dadalhin! " Sigaw ko sa kanya sabay hampas ng kamay nya.
Sya ang dahilan kung bakit ako na sa office ng gurang na yun eh. Eh kung hindi nya ako hinila papunta sa office ng matandang hukluban na yun eh di sana nag cecelebrate kami ngayon nila Faye and Louis kasi may chaka na naman akong napahirapan 😬 .
" HOY KUMAG! BITAWAN MO NGA AKO! ANG KAPAL NG MUKHA MO PARA HAWAKAN AT HILAIN ANG ISANG DYOSANG TULAD KO! " Sigaw ko sa kanya sabay patuloy parin sa pag hampas sa kanya.
Patuloy parin nya akong hinihila hanggang sa makarating kami sa tapat ng clinic.
" Oh bakit tayo andito? Mamatay ka na ba? Kung mamatay ka na, eh di masaya! " Sarcastic na sabi ko sa kanya Sabah palakpak.
" Uyyy nag joke sya!! Tatawa na ba ako? Alam ko naman na hindi mo kalayanin na mawala ako sa piling mo. " Nakangiti nyang sabi.
Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking ito eh. Saan kaya nakuha ng fighting spirit itong kumag na ito.
" Hindi ako nag jo-joke dito kumag ka!! Pag namatay ka mag ce-celebrate talaga ako ng bonga! " Sigaw ko sa kanya.
Paalis na sana ako ng bigla nya na naman akong hinila.
" ANO NA NAMAN BA! " Sigaw ko sa kanya.
" Yung babae kanina na binugbog mo, Nasaloob sya. " Seryosong sabi nya sa akin.
" Really? Eh ano naman? Anong gusto mong gawin ko? Iyakan sya? I-comfort at Alagaan sya? Painumin ng gamot habang kinakantahan sya? Mys gosh Tristan wag kang ngang tanga. " I said coldly to him sabay tumalikod sa kanya.
Badtrip tong lalaking to ha.
" Say sorry to her. " Sabi ni Tristan. Napatingin ako sa kanya at tinaasan sya ng kilay.
" Ha ha ha ha ! Nag papatawa ka ba? Ako? Ang malditang tulad ko? Mag so-sorry ? Asa! Tss" Sabi ko sabay talikod sa kanya.
" I'm f*ck*ng serious here Mika! You almost kill her! Just.. Just say sorry to her." Frustrated na sabi ni Tristan sabay gulo ng buhok nya. Napaharap naman ako ulit sa kanya.
" Almost. Eh di ibig sabihin buhay pa sya. Dapat nga magpasalamat pa sya eh na buhay pa sya. " Sabi ko sa kanya. Lumapit sya sa akin at hinawakan nya ako sa mag kabilang balikat ko.
" Say. sorry. to. her. " Maawtoridad na sabi sa akin ni Tristan. Tinitigan ko sya sa mga mata nya.
" Bakit? Naaawa ka sa kanya? Sya ang nag umpisa Tristan, tinapos ko lang yung sinimulan nya. Kung gusto mo ikaw ang mag sorry sa kanya. Walang pipigil sayo. " Sabi ko sa kanya sabay tabig ng kamay nya sa balikat ko.
" Fine! Ayaw mo mag sorry? Eh di ako nalang! But here's the thing Mika. I'll say sorry to her , You'll date me! " Seryoso nyang sabi sabay pasok sa Clinic.
WHAT THE HELL!!!!
YOU ARE READING
His Crazy Maldita Girlfriend
Teen FictionMikaella Francine Dela Vega ang babaing walang kinatatakutan , walang kinikilingan gusto mag maldita lamang. What if mahanap nya ang kanyang katapat ?? Handa ba syang matanggap ang chaka nyang pagkatalo?? Handa na ba syang umiyak at maging chaka for...