Chapter 3 : Hagupit ni Maldita
Maldita
Hindi talaga ako makapaniwala na that stupid ugly moron ay lilipat dito sa school na to. Oo maganda ako alam ko naman yun. Pero hindi sapat na dahilan yun para sundan ako no! My gad!
Gusto nya talaga ng gulo ha! Then fine! I will accept his challenge from the bottom of my hypothalamus. That jerk! Akala nya natatakot ako sa kanya? Hindi ko sya uurungan ha! Ang magandang maldita na tulad ko walang inuurungan.
Ha ha ha ( insert evil laugh )
" Ah girl ? Mukha kang tanga. Ngayon ko lang nalaman na ang malditang tulad mo may din sayad pala. Sayang girl ang ganda!" Pag i-interrupt sa akin ni Louis with matching hawak baba pa.
"Hindi bagay sayo mag isip kaya wag munang ipilit. Eh ano naman kung may sayad ako? At least mas MAGANDA pa rin ako sayo." Sabi ko sa kanya sabay ngiti. Bigla naman syang sumimangot.
Hahaha take that bitch 😜
Kailangan ko munang mag relax ngayon. Kailangan nating lumafang. Lumafang?? Eww what a chaka and pangmahirap na term is that? Masyado na akong nahahawa sa ka jejehan ni Louis 😒
Since na first day pa lang ng class at walang katapusan na puro ' getting to know each other ' ang ginagawa namin ngayon niyaya ko yung dalawa na lumabas.Tumayo na kami at lalabas na sana nang biglang magsalita ang chaka naming professor.
" Where are you going? " Tanong ng professor namin sa akin.
Bulag lang? Walang mata? Eh di lalabas?
" Can't you see ? Papunta kaming pinto, Ibig sabihin lalabas kami. Tanga lang? Bulag lang?" Pagtataray ko sa kanya. Napatingin ako sa mga chaka kong classmate at bakas sa mga mukha nila ang gulat. Yung iba naman nagbubulungan.
Oh? Gulat na gulat? Mga chakang to! Ngayon lang nakakita ng taong nagsasagutan? First time?
Bumalik ang tingin ko sa professor namin na pumuputok ang mukha-- I mean yung mukha nya because of her blush on. Hindi pa kasi ako tapos mag maldita.
" Boring yung class nyo kaya gusto ko-- I mean namin na lumabas. Oh ayan ngayon alam mo na. Hindi ka na tanga. Pwede na ba kaming lumabas Ma'am?" Dagdag ko pa
Siguro bago tong chaka na to. Hindi ako kilala ehh. Saan bang planeta galing to at hindi nya kilala ang MAGANDANG MALDITA na tulad ko.
" HOW DARE YOU TO ---- " Bago pa nya matapos yung sasabihin nya inunahan ko na sya.
" How dare me? How dare dare your face! We're here para mag-aral hindi para mag pakilala at kung ano ano pa. You're the teacher here, and your job here is to teach us. Hindi kasama sa pagiging teacher mo ang magpaka chakang chismosa." Sabi ko sa kanya sabay tinaasan ko sya ng kilay.
Natahimik yung mga chaka sa room namin dahil sa pagmamaldita ko. Dapat lang no! Ayan kasi ang role ko sa storyang ito 😒
" WALA KANG GALANG!! GO TO DETENTION ---- " Bago pa tapusin ng chararat kong prof. ang sasabihin nya inunahan ko na ulit sya.
"Yes I WILL ma'am! By the way maghanap ka na ng bagong school na tuturuan. Tanggal ka na." Nakangiti kong sabi sa kanya. Pero bago ako lumabas kailangan ko muna pataasin ang confidence ni Ma'am
Like duh? Sayang ang make up kung walang makakapansin no!
"By the way to the second power, you look beautiful today. Kahit papaano may igaganda pa pala ang mga chakang tulad mo. Pumuputok na blush on para sa pumuputok mong mukha." Sabi ko pa sa kanya then I gave my sweetest smile on her.
Oy kahit papaano sincere ako sa sinabi ko sa kanya na gumanda sya. Mga 0.0000000001% ang iginanda nya dahil sa make up nya!
" GET OUT YOU --- " At tulad ng paborito kong ginagawa bago nya pa tapusin ang sasabihin nya inunahan ko na sya ulit.
" Yes I WILL MA'AM! " Masaya at sarcastic kong sabi ko sabay flip ng hair ko.
And with that umexit na ako.
Yung pang mayaman at pang magandang exit. Lumabas ako ng room namin na may ngiti sa labi.
"Hay naku friendship, Kalerki ka!! Kawawa naman si Ma'am pati ba naman mashonda hindi mo pinapalagpas? Wala talagang excuse or exempted man lang?" Tanong ni Louis sa akin.
" Bakit gusto mong pumalit sa kanya? Then fine should I start now? " Tanong ko sa kanya.
Agad naman syang umiling with matching hand gestures pa.
" Of course not!! Sabi ko nga tama lang na malditahan mo sya kahit mashonda na sya, chaka sya , pakialamera and many more. " Naka ngusong sabi ni Louis at patuloy na naglakad papuntang cafeteria.
Pagkapunta na pagka punta namin ng cafeteria napatingin lahat ng students sa amin..
Yes I know na maganda ako kaya pinagtitinginan ako. Duh? Mukha silang tanga. Ngayon lang ba sila nakakita ng MAGANDA??
Kanina pa sila ha 😒. Na co-conscious na tuloy ako sa KAGANDAHAN ko.
" What the hell are you looking at? " Taas kilay na tanong ko sa kanila. Agad naman silang nag-iwas ng tingin.
Naglakad na ako papunta sa spot namin dito sa cafeteria. And when I say spot , kami lang ang pwedeng umupo don. Papaupo pa lang ang isang magandang tulad ko sa upuan ko ng biglang may nagsalita.
" Look who's here? " Naka pamewang na sabi ng isang chakang nilalang na isa sa mga kinaiinisan ko sa maganda kong buhay.
Oh! Buhay pa pala to??
YOU ARE READING
His Crazy Maldita Girlfriend
Novela JuvenilMikaella Francine Dela Vega ang babaing walang kinatatakutan , walang kinikilingan gusto mag maldita lamang. What if mahanap nya ang kanyang katapat ?? Handa ba syang matanggap ang chaka nyang pagkatalo?? Handa na ba syang umiyak at maging chaka for...