Chapter 2 : Myrtle >> Karen

1.8K 30 9
                                    

.

CHAPTER 2

.

=Myrtle's POV=

.

I really love Karen!

.

Mula kasi nang makilala ko sya feeling ko nakompleto ako dahil sa kanya ko naramdaman na may tunay akong kaibigan. Di lang basta kaibigan. Kapatid pa ang aming turingan.

.

As I remember lagi nya akong ipinagtatanggol kapag may mga nang-aaway sakin. Gaya na lang nung mga bata kami... nung una ko syang nakilala...

.

>>flashback 10 years ago...

.

"Pasali aku." sabi ko sa mga batang naglalaro sa bakuran sa tapat ng bahay ng kaibigan ng daddy ko. Naglalaro sila ng luksong tinik.

.

I was just 7 years old that time. Nasa Batangas kami ng family ko nun dahil andun ang hacienda ng daddy ko.

.

"Sinu ka ga? Di ka namin kilala nuh. Alis!" sabi nung girl na naka-ponytail ang buhok.

.

"Wawa naman. Bleh." sabi pa nung isa pa na maiksi naman ang buhok. Mga kaedad ko lang sila.

.

Gusto ko nang umiyak that time. Feeling ko nag-iisa na lang ako at walang kakampi. I want to run to my mommy para isumbong sila kaso feeling ko nakapako na ang mga paa ko sa ground at di ako makahakbang.

.

Until I found myself crying dahil nakita ko sila kung panu nila ako pagtawanan.

.

"Huhuhu. Mommy! Huhuhu" I cried so loud at dinig yun ng mga batang yun.

.

"Iyakin ka pala eh. Tara na nga lipat tayo sa inyo." sabi ng batang lalake sa isa nyang kalaro.

.

Maya-maya may sumigaw galing sa bahay kung san nagpunta ang daddy ko.

.

"Hoy! Mga panget kayo! Bad kayo! Lagot kayo sakin!" sabi ng isang batang babae. Cute sya at mahaba ang kanyang straight na buhok.

.

Siguro alam nyo na kung sinu sya nuh?

.

Yup, sya si Karen.

.

Hahabulin pa sana nya ang mga batang yun kaya lang hinawakan ko ang laylayan ng damit nya.

.

"Wag mo na... *sniff* silang habulin... *sniff* baka awayin ka rin nila." sabi ko sa kanya.

.

"Mga salbahe talaga mga yun. Tahan na, wag ka nang umiyak." pinatatahan nya ako pagkatapos ay hinaplos nya ang ulo ko. "Ako si Karen. Ikaw nu pangalan mo?" tanong niya.

.

"Ako si Myrtle Abigail Sarrosa, 7 years old." sagot ko naman. Natatawa ako pag naaalala ko to. Kompleto pa talaga pagpapakilala ko sa kanya. Pati edad ei. Haha.

.

"Hihi, tanda mo na pala. Ako ganito lang oh." naka-high five ang kamay nya, meaning 5 years old pa lang sya nun.

BESTFRIENDS FOREVER (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon