PLEASE VOTE & COMMENT after READING! (^____~)
.
CHAPTER 9
.
=Kit's POV=
.
"Hello honey ko... Ah, oo andito na kami... Ganun ba?... O sige I love you too." sabi ni Yves sa kausap sa cp nya tapos binaba na nya. Nyak! Panis sa kabadingan tong pinsan kong si Yves. Grabe mukhang nagayuma ata sya nung babaeng sinasabi nyang gf nya. Sus!
.
Kadarating lang namin dito sa Batangas dahil ang sabi daw nung gf nya dito na lang magtatagpo dahil bawal daw kaming makita ng daddy nya kaya pinauna kami. Pasaway na babae. Tsk.
.
Maya-maya pa, pinaandar ulet ni Yves yung kotse nya. San ba kami pupunta?
.
"Oy pinsan. Anung iniisip mo dyan? Baba na." pinatay na pala nya ang engine ng kotse at andito na pala kami sa... Woah! Ang laking bahay toh ah! Parang yung villa lang ng dad ko sa Amerika. 0__0
.
"Kaninong bahay toh?" tanong ko sa kanya pagkababa ko.
.
"Sa honey ko."
.
"Aba! Ang yaman naman ata nya?" grabe! Bigtime ang jowa ni Yves.
.
"Haha, gulat ka nuh? Tara na nga. Sumunod ka sakin." pagkatapos nun may babae kaming nakita sa harapan ng bahay at dahil nakatalikod sya, ginulat nya ito. "BOOOH!!!"
.
"Ay! kalabaw ka!" reaksyon nya tapos humarap sya samin. Teka parang pamilyar tong bab--
.
0___0
.
"IKAW?" sabay na sabi naming dalawa. Sya yung babae na nakabangga ko. Tama sya yung putak ng putak na parang manok.
.
"Oy, teka lang pinsan, kilala mo si Karen?" nagtatakang tanong ni Yves sakin. Tapos pauli-uli ang tingin nya samin. Titingin sya dun sa babae, tapos sakin, tapos dun ulet sa babae.
.
Nagsalita ulet yung babae,"Hoy! Anung ginagawa nyan dito?" tapos natigilan sya tapos nagsalita ulet. "Teka, wag mong sabihing pinsan mo yang bakulaw na yan?" aba! Anung Bakulaw pinagsasabe nito?! Grr!
.
"Hoy magdahan-dahan ka sa pananalita ha. Hindi ako bakulaw!" galit at malakas na sabi ko.
.
"At bakit? Bakulaw ka naman talaga. Bakulaw ang ugali mo!" pinandilatan nya ako ng mata. Bwisit sya!
.
"Hoy! Kaw na manok ka! Hapon na para pumutak!" bawi ko sa kanya. Kaso mukhang di sya papatalo.
.
"Bastos ka! Bastos kang baku--"
.
"STTOOPPP!!! Tumahimik nga kayo. Naguguluhan ako senyo." sabi ni Yves sa pagitan ng pagbabangayan namin nung putakting manok na toh. "Insan, anu na naman ba toh?"
.
"Sya yung bumangga sakin Buddy. Bastos yang pinsan mo!" aba sumabat na naman sya.
.
BINABASA MO ANG
BESTFRIENDS FOREVER (Completed)
HumorCOPYRIGHT © MAY 18, 2012 - MAY 05, 2014 ~Paano kung magbestfriend ang dalawang controversial girl housemates na sina Karen Reyes at Myrtle Sarrosa? Kaya ba nilang mapanatili ang sister-like-relationship nila kung matututo silang umibig?