Chapter 10.2 : Summer break

916 11 5
                                    

A/N: Salamat po sa lahat ng bumoto ng bawat parts nitong story. Talagang tinupad nyo nga yung 100+ na Votes. Tsaka salamat po sa lahat ng sumusuporta sa story na kahit mga silent readers pa ang iba senyo ay napakalaking bagay na po ang naitutulong nyo sakin pero sana mabasa ko din ang saloobin nyo.

Salamat. (ahaha, ako na nga ang OA sa AN)

.

_____________

CHAPTER 10.2

=Myrtle's POV=

.

"Señorita, di pa po ba kayo kakain?" tanong ni Manang Lydia sakin.

.

"Maya-maya na lang po pag dumating na po si Yves." sagot ko naman.

.

Hayst! Bakit kasi ang tagal nya? Magna-9pm na pero wala padin sya.

.

"Kaw kasi, hinayaan mo pang ihatid nya yung manok mong kaibigan," sabat naman ni Kit.

.

"Hoy Kit ha. Stop calling Karen a chicken. Besides, gusto ko din namang maging safe sya sa pag-uwe nya." Pero ba't ganun? Dapat siguro sumama na lang ako sa kanila para hindi ganito ang pakiramdam ko.

.

"Okay sige, una na akong kumain ha. Gutom na kasi ako."

.

"Okay, help yourself," tapos lumabas muna ako papuntang garden at naupo ako sa bench dun.

.

Naghintay ako hanggang sa dumating si Yves.

.

"Honey ko, tinanong ko si Manang Lydia kung kumaen ka na daw. Sabi nya hindi pa," tapos may iniangat si Yves na tupperware, "Eto oh, padala ng mama ni Buddy. Kain ka na."

.

"Wala na kong ganang kumaen." bigla naman akong nainis ng narinig ko na naman ang pagtawag nya ng buddy kay Karen.

.

"Hah? E sayang naman toh, baka mapanis!"

.

Sa sobrang hindi ko mapigil na inis ko, pinaghahampas ko ang dibdib nya ng dalawa kong kamao.

.

"Hoy! Anu ba honey ko. Nasasaktan na ko." pinigilan ni Yves ang dalawang kamay ko. "Anu bang problema mo?"

.

At dahil tinanong nya ko ng ganun, bigla na lang tumulo ang luha saking mga mata.

.

"Oy, Honey ko! Tahan na. Baka marinig tayo sa loob. Anu ba kasi yun?" tinatanong parin nya ako. At dahil di pa din ako sumasagot bigla na lang nya akong niyakap. "Okay, kung ayaw mo talaga sabihin sige di na kita kukulitin. Tumahan ka na, okay."

.

Tumango na lang ako at hindi talaga nagsalita at mas hinigpitan ko pa ang pagyakap ko sa kanya. Ayoko namang sabihin na nagseselos ako kaya ako nagkakaganito.

.

________

Maaga kaming nagising kinabukasan. Pumunta muna kami kina Karen para bisitahin sina Tita Claire at Ate Anikka.

.

"Myrtle! Hija, buti naman at napadalaw ka. Hali kayo dito sa loob." bati samin ni Tita Claire pagkapasok namin ng gate.

.

"Ahm, Bessy... Pasensya ka na kagabe ha. Ginabe tuloy si Yves gawa nina mama." paliwanag sakin ni Karen.

.

"Okay lang yun Bes... Ah Tita Claire thanks nga po pala sa adobo na pinadala nyo kay Yves. Sobrang sarap po." napatingin naman si Yves sakin. Ang totoo kasi nun ay hindi ko naman talaga nagawang galawin yun dahil wala talaga akong gana kagabe.

.

"Ganun ba hija. Alam ko kasing paborito mo iyon. Pamaya dito na din kayo mananghalian ha."

.

"Naku, sa mansyon na lang po Tita Claire. Sumama na lang po kayo samin."

.

"Ay ganun gah? Edi sige."

.

=Yves' POV=

.

Nagtataka padin ako kung bakit ganun na lang si Myrtle kagabi.

.

Bigla na lang syang umiyak habang yakap ko sya. Bakit ba ganun? Ni hindi naman nya sinasabi sakin ang dahilan. Tsk! Tapos nagsinungaling pa sya sa mama ni Karen.

.

Nakabalik na kami sa hacienda mga bandang 9am ng umaga. Saglit lang naman kasi kami kina Karen dahil nagyakag na kagad si Myrtle samin.

.

"Magandang umaga po Señorita." bati nung isang trabahador ng hacienda kay Myrtle.

.

"Magandang umaga din po." nakangiting sagot ni Myrtle habang hawak ang kamay ko.

.

"Neng, kasintahan mo gah iyan?" tanong naman nung isang matandang babae.

.

"Opo. Hihi." masayang sagot nya sa matanda.

.

"Magandang araw po Lola." sabi ko naman.

.

"Naku, hijo. Wag mo naman akong masyadong patandain." nahiya naman tuloy ako kaya nagtawanan silang lahat.

.

________

11:30am sa bukid

"Bessy! Buddy! Kakain na daw tayo," sigaw ni Karen samin.

.

"Oh sige, susunod na kami Buddy." nilingon ko si Myrtle pero parang nakasimangot sya.

.

"Okay, tara na honey ko. Gutom na ko." hinila din naman nya ko.

.

"Oh, kaen na kayo mga bata. Maghugas muna kayo ng kamay." sabi ni Tita Claire.

.

"Hoy, hinay-hinay ka sa pagkuha ng pagkaen manok." sabi naman ni Kit kay Karen kaya naging masama na naman ang tinginan ng dalawa.

.

"Oy, insan. Tama na nga yan." di naman kami kita ni Tita Claire dahil nagsasandok pa sya ng kanin.

.

Andito kami ngayon sa ilalim ng puno ng mangga. May nakalagay na malapad na mesa. Madami kasing nilutong pagkain si Tita Claire at Ate Anikka.

.

"Honey ko, say 'ahh'" sabi ni Myrtle sakin at mukhang susubuan pa ata ako.

.

"Ayieeh! Ang sweet naman nila!" nakatawang sabi ni Karen.

.

Kinaen ko naman yung isinubo sakin ni Myrtle pero sa totoo lang naiilang ako sa ginagawa nya. Ginagawa nya kasi akong bata.

.

Pagkatapos naming kumaen ay nagpahinga muna kami nina Kit at Myrtle. Sina Karen, ate Anikka at tita Claire ang nagligpit ng kinainan namin. Gusto ko sanang tumulong pero pinigilan ako ni Myrtle at ang sabi nya ay kaya na iyon nung tatlo.

.

* to be continued...

___________________

VOTE & COMMENT po.

Be a FAN. Thanks.

(c) elie

BESTFRIENDS FOREVER (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon