Chapter 5.3 : MyrVes ~ in a relationship?

1.1K 18 7
                                    

CHAPTER 5.3

.

Dali-dali akong bumaba. Pero lagot ako! Si Daddy palabas din ng gate.

.

"Ah daddy wait! Ahm were are you going?" hinihingal na tanong ko ng makita ko si Dad na nakahawak na sa knob ng main door ng aming bahay.

.

"Ichicheck ko lang kung anu yung nangyayari sa labas honey. Para kasing may nagsisigawan ei."

.

"No Dad! I mean nothing! Wala po yun. Ako na lang po ang titingin." Hinarang ko si Dad para di sya makalabas. "Diba Karen wala lang yun?"

.

"MYRTLE! HOY!" takte! Ingay naman nitong si Yves. Nadidinig ko padin boses nya.

.

"Yun oh, may nasigaw talaga eh. Parang pangalan mo yung sinasabi." padungaw-dungaw pa si Daddy sa bintana. "Karen, kaw na ang tumingin."

.

"Ah sige tito." then lumapit si Karen sakin ay bumulong, "Ako na bahala sa unggoy na yun."

.

"Okay, basta sabihin mo pamaya na kami mag-uusap." bulong ko din sa kanya.

.

"What's that? Why are you murmuring?" Nyekz, nahalata ata kami ni Daddy.

.

"Ah, wala po yun tito. Sige po labas lang po ako." then lumabas na si Karen.

.

_____

=Yves' POV=

.

Bigla na lang pumasok sina Myrtle sa loob. Anu ba yung sabi nya na 'OO NA'? Ang naintindihan ko lang ata yung 'BABABA NA AKO' pero antagal naman nyang lumabas. Bahala ka Myrtle kahit bumalik yung matanda kanina sisigaw talaga ako.

.

"HOY! MYRTLE!" takte! Bakit di pa sya nalabas?

.

Sisigaw sana ulet ako nang biglang bumukas ang gate.

.

"Hoy! Ang ingay mong unggoy ka! Tsk!" si Amazonang Karen pala.

.

"Nasan si Myrtle?"

.

"Pwede bang hinaan mo muna boses mo? Andito ang daddy nya kaya manahimik ka muna Yves!"

.

"E sabi nya baba sya? Asan na nga sya?"

.

"Ang kulet ng lahi mo ha. Ilang beses ka bang inire? Sasapakin na kita dyan. Andun nga si Myrtle kausap ng daddy nya sa loob. Pag di ka tumahimik, lalu kang hindi makakapanligaw sa bestfriend ko."

.

"Todo effort na nga ako eh." kainis, mukha na nga akong ewan dito eh.

.

"Hoy aba ka naman! Dapat lang kasi nanliligaw ka pa lang. Demanding ka ha." Sabagay, pero kahit na mukha na akong tanga oh."Sa school na lang daw kayo mag-uusap. Intindez?! Okay dyan ka na at nakupow malelate kami sa klase." papasok na sana si Karen hinawakan ko wrist nya.

.

"Buddy, boto ka naman sakin para kay Myrtle diba?" seryosong tanong ko sa kanya.

.

BESTFRIENDS FOREVER (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon