Chapter 29

121 4 0
                                    

CHAPTER 29

[Kit's POV]

 Bullsh!t! Kainaman, pinagtitripan pala ako ng tatlong yun? Grabe lang ha, ang galing umacting ng manok na yun ah. Hayy! Napaniwala nya ako grabe. Oo, gising talaga ako kanina. Acting ko lang yun.

Oh wag kayong maingay na alam ko na ang totoo ha. Nabadtrip talaga ako kaya nagpasya na lang akong lumabas ng kwarto. Gusto nila ng pagpapanggap ha, geh magpapanggap din akong walang alam. *evil grin*

 "Hoy Kit sorry kanina ha, alam mo naman kasi sitwasyon ni Karen diba."

Yeah, alam na alam ko. Kagaling namang umarte ng mga toh. Tss!

 "Insan, hindi mo dapat pinangunahan sina Honey ko sa pagsasabi ng totoo kay Buddy." Kuw, isa pa tong pinsan ko. Nako, pag di lang talaga ako nakapagtimpi, babangasan ko toh e. Naturingang pinsan, ginagago ako. Phew.

 "Hoy, ang o-OA nyo ha, wala naman akong sinabi kay Karen ah. Tsaka dapat lang naman talagang magsabi ng totoo dahil may kasabihan na, 'Liars go to hell'. Kuw, magbagong buhay na nga kayo." sabi ko sa kanila. Kakatuwa lang mga reaction nilang dalawa, halatang guilty eh. Nako naman. "Dyan na nga kayo, makauwi na muna. Wala akong makausap na matino dito. Hayy grabe!"

 Umuwi na muna ako sa condo unit ko. Yup, dun na ako ngayon nagstay dahil nga sa inis ko sa pinsan kong balasubas. At nga pala, kinuha na ni Mama Claire, este Tita, yung mga gamit ni Manok, ipinaalam ko kasi sa kanila na dun nagstay si Karen.

Nung una na-shock sila kasi kala nila na magkasama kami sa iisang bahay pero ipinaliwanag ko din naman na kina Yves ako tumutuloy.

Andito na ako ngayon sa bahay ko. Pagpasok ko ng kwarto ay ibinagsak ko na kagad ang sarili ko sa kama. Ilang araw na din kasi akong walang matinong tulog. Ganyan daw talaga pag sobrang nag-aalala ka sa taong mahal mo.

Hayy! Di naman ako makatulog eh. =.=

Time check: 8pm

Potek! Gusto ko ng matulog oh.

*cp ringing...*

Sino naman kaya tatawag sakin ngayong dis oras ng gabi? Wala naman akong ibang kakilala dito sa Pilipinas maliban kina Yves, Myrtle at... Karen?

Tumatawag sya?

Dali-dali ko namang sinagot yung tawag.

 "H-hello? K-karen?" Aba ba't parang bigla akong kinabahan.

 [Uyy, si Kit! hanap kagad si Karen e... Uy sis, areh na si Kit.] sagot naman ni Ate Anikka. Kala ko kasi si Karen. Kakahiya tuloy pautal-utal pa mandin ako. [Ah, hello Kit.]

 "Ahh, ehh, oh M-manok, este Karen napatawag ka?"

 [Ahm, gusto ko lang sanang magthank you sayo.]

 "Ah, yun lang ba... Wala yun. Kaw pa." yun oh, lakas bigla ng loob ko ah.

 [Huh? A-ahm, hindi lang kasi yun ang gusto kong sabihin... Ahm, a-ano, madi-discharge na daw ako bukas. Pinapapunta ka ni Mama sa bago naming bahay dito sa Manila. Text ko na lang yung address.] Teka, ba't parang kinikilig yung boses nya? Nakz naman, in love ata tong manok ko sakin ah. Hehehe.

 "Ahm, wag mo na itext, pupunta na lang ako dyan bukas pagkatapos ng klase ko."

 [Ah sige. See you tomorrow Kit.]

 "Ok, I love you Karen," haha, syempre in-end---

 [Huh? Anu yun Kit?] Hala kala ko napindot ko na yung end call.

 "Ah, haha. Wala. Goodnight Karen." tas ini-end call na nya. Phew, nasabi ko yun. Yes! Kaso di nya ata naintindihan. Sayang.

Makakatulog na din sa wakas. Nakausap ko ang mahal ko eh. ^__^

BESTFRIENDS FOREVER (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon