Chapter 1

4.5K 47 8
                                        

[Autumn’s POV]

 

“Hoy Elliot! Hurry up at baka humaba na ang pila at hindi na tayo makapila!” tawag niya sa kaibigan habang mabilis na tumatakbo papuntang token booth ng canteen nila. Lumingon naman sya at nakitang hirap na hirap sa pagtakbo ang kaibigan pero halos katabi na niya.

“Makapag-hintay ka nga! Ang bilis mo namang tumakbo eh! Alam mo namang pagod na pagod na ako tapos patatakbuhin mo pa!” hinihingal na sagot nito sa kanya.

Napatawa naman siya. Ang swerte nya talaga sa kanyang kaibigan na si Elliot. Simula kasi nang mag-transfer sya sa CEU galling amerika ay eto na ang unang naging ka-close nya tapos ito pa ang naatasan na magturo sa kanya ng tagalog. 6 na buwan na ang nakakalipas simula ng mag-transfer sya sa CEU. Napangiti naman siya ng maalala kung paano niya nakilala ang kanyang best friend..

6:30 pa lamang ng umaga ay nasa CEU na siya. First day niya kasi sa naturang school kaya ayaw niyang ma-late. Tiningnan niya ang bulletin board. Hinanap niya ang pangalan niya sa column na naglalaman ng mga pangalan at sections ng bawat istudyante. Hinanap nya ito ng hinanap hanggang sa makita na nya..

 

“Here it is” sabi nya sa sarili ng makita ang pangalan niya sa hanay ng 1st year St. Andrew. Habang pinag-mamasdan niya ang pangalan ng mga kaklase niya ang may biglang tumabi sa kanya.

 

Lumingon sya at nag-angat ng tingin. Nakita niya ang napaka-gwapong mukha ng isang lalaki na halos ka-age lang niya. Matangkad ito, Maputi, maganda ang built ng katawan at saksakan ng pogi! (picture below)

*dug dug*

*dug dug*

*dug dug*

“What a hunk!” saad niya sa kanyang isip



Habang mataman niyang tinitingnan ang mukha ng lalaki ay bigla itong lumingon sa kanya.

 

“Shit! I was caught looking at him!” mura nya sa kanyang isipan

 

Tila hindi naman galit ang lalaki at nginitian siya. Siya naman ay no choice kundi ngitian din ang lalaki. Lumabas naman ang Dalawang cute na dimples ng lalaki na lalo lang nag-pagwapo ng itsura nito. Tinitigan sya nito at saka nag-salita.

 

“Hi, my name is Elliot, nice to meet you” ngiting-ngiti nitong sinabi sa kanya.

“Hi Elliot, my name is Daphne Autumn but you can call me Autumn”

“Are you new here?” tanong sa kanya ng binata

“Yes, and unfortunately, I don’t know anyone here and worse I don’t know where my classroom is” sabi niya. Tiningnan siya nito at tsaka ngumiti ulit.

“I can help you” pag-presenta nito

“Really?”

“Sure, by the way, what is your section?”

“I St. Andrew”

“So, we’re classmates. Come on, let’s go to our class before we get late” yaya nito sa kanya saka sinimulang mag-lakad. Sumunod naman siya dito. Nang makarating na silang dalawa sa classroom ay nakatingin sa kanila ang mga kaklase nila. Nag-bubulungan ang mga ito. Ang mga babae ay titig na titig kay Elliot at kinikilig pa. Napatawa naman siya.

“Looks like he’s going to be popular”  saad niya sa kanyang isip

 

Matapos silang mag-pakilala ay umupo na sila sa may likuran ng klase. Panay ang ngiti sa kanya ng mga lalaki pero hindi na lamang niya iyon pinansin. She know that she’s beautiful because when she was in States, she was the school idol because of her looks and her wealth.

 

Magkatabi sila sa upuan ni Elliot. Lalo silang naging close. Magkasabay din silang kumain ng recess at lunch. Sinundo naman siya ng driver niya ng uwian na.

 

 

Kinabukasan sa school, lumapit sa kanya si Elliot. Ngumiti ito sa kanya at tila may tuwa sa kanyang mga mata.

« I’ve been assigned to teach you tagalog..” naka-ngiting saad nito sa kanya.

“O-okay. So, when do we start?” tanong naman niya sa binata.

“After dismissal” tugon nito sa kanya at umupo na sa silyang katabi ng upuan niya.

 

 

Nang matapos nga ang kanilang klase ay tinuruan siya nitong mag-tagalog. Noong una ay medyo natatawa pa ito sa pagbigkas niya ng mga word pero hindi nagtagal ay nasanay na din siya. After 6 months ay fluent na siyang mag-salita ng tagalog at mag-best best friends na sila ni Elliot dahil hindi halos sila naghihiwalay. Ang tingin nga sa kanila ng mga tao ay sila na dahil halos palagi sila ang mag-kasama. Isang araw na lamang ay biglang may ipinagtapat sa kanya si Elliot.

 

« Best friend, aaminin ko na ito sa iyo ha. B-bading ako...” nahihiyang turan nito at wari ko ay nag-blush pa.

“Ano?!” magkahalong gulat at disappointment na sabi ko. Pano ba naman kasing hindi. Ito ang pinaka-gwapong lalaki sa school nila Kahit 1st year pa lamang sila pagkatapos ay malalaman niyang bading pala ito!

“It’s true bez, pero ikaw lang ang nakaka-alam nito at promise mo sakin na hindi mo ito ipagsasabi sa iba ha..” sinserong sabi nito

“O-oo, promise ko yan bez..”

 

 

“The old times nga naman noh” saad nya sa isip nya matapos syang mag-reminisce ng nakaraan. Nagayon ay nasa canteen na sila ni Elliot at kumakain na.

“Oi bruha, natulala ka na naman dyan” sita sa kanya ni Elliot

“Wala ito best friend, halika na tapusin na natin itong pagkain natin..” sabi niya sa kaibigan ng biglang may sumigaw mula sa di kalayuan

 

“Autumn Babes koh!” sigaw  ng isang pamilyar na boses…

==========================================================================

Sino kaya ang tumawag kay Autumn? At bakit babes ang tawag sa kanya? Hmm.. Like the 1st chapter? Comment your reviews and insights. Please vote :)

thank you readers.

Falling In Love with my Gay Best Friend [completed]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon