Chapter 3: Ball?

2.2K 28 3
                                    

[Elliot’s POV]

 


Hindi ko alam kung ito na ba ang tamang oras para mag-panic ako. Anu naman kaya sasabihin nya? Buntis siya? No! Hindi ko ata kakayanin yun. Minabuti ko na lamang na manahimik at makinig.


“Uh Elliot, wag ka sanang magagalit sa sasabihin ko ha, sana wag ka ma-offend..” sabi nito sa kanya. Sinimulan na siyang kabahan. Baka daw ma-offend ako? Hindi ah!


“Eh anu ba kasi yun girl?” nagbabakla-baklaan niyang sabi


“um anu kasi eh.. uh..G-gusto mo bang magpa- sex change?” sabi ni Autumn na ikinagimbal niya.


“Anu?!?!?!?!” napasigaw siya dahil sa gulat.


“Sorry naman, nagtatanong lang naman ako noh! Baka kasi sobrang bading ka na eh, wala ka na bang pag-asang maging tunay na lalaki?” tanong nito sa kanya. Bigla naman siyang natameme. Pinag-iisipan kung sasabihin na ba dito ang totoo.


Hay naku Autumn, kung alam mo lang sana ang hirap na dinaranas ko ngayon...

 



“Honestly Autumn hindi ko alam, oo maaring bading nga ako but i wouldn’t go as far like that. Hindi kaya ng beauty ko” nagbabakla-baklaang sagot ko naman kay Autumn. Mahirap din naman ang sitwasyon ko eh.

 



Honestly, baka pag-sinabi ko kay Autumn yung motive ko ay baka lumayo siya sakin. Ayoko namang mangyari yun. Hindi ko kakayanin dahil mawawala lang lahat ng efforts ko. Pero dadating din ang tamang panahon kung kelan masasabi ko na sa kanya...





[Autumn’s POV]

 

Grrrrr!! I missed my chance! Pero baka mabigo lang ako kapag itinuloy ko ang pagtatanong ko sa kanya kung gusto nya ba ako?! Palagi ko kasi siyang nahuhuling nakatingin sakin eh at iba yung titig nya, parang may ibig sabihin...


Hanuveeyy Autumn! Bading yang titirahin mo! Bading! Huwag mong landiin at baka bumigay!!

 


Tiningnan ko naman ulit si Elliot, namumula siya... Baka na-offend dun sa sinabi ko.. Hala patay ka Autumn! Anu ba kasing pinag-sasasabi mo!


Eh hindi ko naman kasalanan yun eh! Nakakahiya kasing itanong sa kanya! Sigaw nung isang bahagi ng utak ko.


“Uy bestfriend, galit ka ba? Sorry na..” sabi ko sa kanya sabay hi-nug ko siya sa likuran niya. Para tuloy kaming mag-syota pero hindi. Ang sarap pala nang feeling na yakap-yakap mo ang taong mahal mo noh?? Nakakawala ng problema.. Wait?! Did i just say na mahal ko siya?  Well siguro nga..   hindi ko na  i-dedeny pa.. Mahal ko siya dahil siya lang ang lalaki na nakapag-padama ng ganitong kaba at kilig sakin kahit na isa syang bakla...

 


Nagulat naman ako nang yakapin nya din ako. Ang higpit ng yakap niya. Para bang isa akong fragile na bagay na kailangang ingatan? Wow! Ang sweet mo friend! Haaylabyu talaga!



[No One’s POV]



1 buwan na ang naka-lipas matapos ang mga nangyaring yon.. Nalaman ni Autumn na hindi naman pala galit si Elliot sa kanya, ang katunayan nga, lalo pa silang naging close. Medyo nanging sweet ang kanyang kaibigan sa kanya dahil sa hindi malamang  dahilan pero thankful na din si Autumn dahil sa pinapakitang sweet gestures na lalo lamang nagpapa-bilis ng tibok niya..


1 linggo pa ang nakalipas at nag-announce ang school nila na magkakaroon daw ng isang ball para sa first year students. Kaya matapos ang announcement ay kanya-kanya ng hanap ang mga babae ng date nila. Tumingin-tingin si Autumn sa palagid at hinahanap si Elliot. Gusto nya sanang ito ang maging date nya pero nung makita nya ito ay may kasama itong babae?!?!?!!



=================================================================

Oh my! Sino kaya ang girlaloo na kasama ni fafa Elliot?! Pano na si Autumn?! At ano kaya ang susunod na mamngyayari sa lovestory nilang dalawa? Abangan sa susunod na chapter ng Falling In Love with my Gay Bestfriend..

Falling In Love with my Gay Best Friend [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon