(A/N: This chapter po ay purely tungkol sa lovestory ni Ashley at Prince para naman po malaman nyo na kung anung kinahinatnan ng lovestory nila J Enjoy!)
[Ashley’s POV]
Ay bongga! May POV na rin ako.. Well this chapter naman is all about me eh..
Ako si Ashley Portia Arevalo. 16 years old na ako at fourth year highschool na.. All this time, isang lalaki lamang ang nakapag-patibok ng puso ko.. At siya ay si Prince Dione Hernandez. Kapag inaasar niya ako, wala akong ibang ginawa kundi ang tarayan siya. Kailangan kong sungitan siya para hindi niya mapansin na mahal ko siya.. nakakahiya kaya >/////////<
Habang naglalakad kami nina Autumn at Chloe sa hallway, nakita namin sina Prince,Ace at Elliot na nakatayo sa may lockers at nagtatawanan. Napatingin naman ako kay Prince saka bumuntong hininga..
“Hay...” sabi ko sa sarili ko
“May problema ba Ashley?” nag-aalalang tanong ni Autumn sakin
“Ah wala naman..” sagot ko
“Sus! Wala yang problema Autumn, nakita na naman kasi niya ang Prince Charming niya..” sabi ni Chloe na idiniin pa ang salitang Prince. Namula tuloy ako
“Seriously! May gusto ka kay Prince Ashley?”
“W-wala noh! Ang sungit sungit ko nga doon eh! Pano ako magkakagusto doon?”
“Eh bakit ka namumula ng ganyan?”
“Eh kasi.. Ah basta!”
“Sus! Kunwari pang galit kay Prince pero deep inside naman kinikilig kapag kausap si Prince”
Hindi na tuloy ako naka-imik. Bistado na nila ako eh at kilala nila ako. Hindi ko na maitatanggi pa ang feelings ko para kay Prince.
“Eh pano kung sabihin ko nga sa inyong mahal ko si Prince? May magagawa ba kayo?”
“Tutulungan ka na lang namin Ashley” nakangiting sabi ni Autumn
BINABASA MO ANG
Falling In Love with my Gay Best Friend [completed]
Ficção Adolescente1st year high school si Daphne Autumn Ponteverde nang lumipat ito sa CEU o Carlen Eastern University. Kakabalik lang kasi ng kanyang pamilya sa Pilipinas matapos manirahan sa United States dahil sa kanilang negosyo. Doon na sya ipinanganak at lumaki...