Chapter 6: OMG!

1.8K 23 2
                                        

[Autumn’s POV]

 

Kakatapos ko pa lamang mailgo nang may narinig akong paakyat ng hagdan.. Siguro si yaya Tasing lang iyon sabi ko sa isipan ko. Hindi pa ako nakakapag-bihis. Naka-towel lang ako at tanging towel lamang ang nagtatago ng aking katawan. Habang nakatayo siya sa may harapan ng drawer niya, biglang bumukas ang pintuan..

“Oh yaya—“ natigilan siya

O___O

>/////////////////<

“A-autumn?!” nagkakandautal na sabi ni Elliot. Namumula ang mukha ng kaibigan na para bang nakakita ng isang di inaasahang eksena..

Sa sobrang hiya at gulat niya, wala na lang nagawa si Autumn kundi ang sumigaw..

“Kyyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhh!!!”

Bigla namang tumakbo si Elliot sa tabi niya at tinakpan ang bunganga niya..

“Shhhh, grabe ka namang makasigaw! Halos mabutas na ear drums ko eh!” naiiritang sabi ni Elliot

Inalis naman ni Autumn ang kamay na nakatakip sa bunganga niya at tumingin ng diretso kay Elliot. Mukha namang natigilan ito at biglang napalunok.. Shets Elliot! Bakit ka nalunok? Naaakit ka na ba sa beauty ko? Sigaw niya sa kanyang isipan. Lihim naman syang napangiti.

“Anu ba kasing ginagawa mo dito sa kwarto ko?” tanong niya sa kaibigang nakatulala pa rin..

Hinintay niya itong sumagot pero nakatulala pa rin ito sa kanya..

“Hoy?!” sigaw niya dito at bigla naman itong napapitlag. Tila noon lang natauhan..

“Ah, pina-akyat na kasi ako ni Yaya Tasing eh. Malay ko ba na maabutan kitang naka-towel pa! Magbihis ka na nga..” tiningnan niya ulit ang mukha ni Elliot. Namumula pa rin ito. Lihim naman siyang napatawa at saka nagbihis.

Pagkatapos nyang magbihis ay kumain muna sila ni Elliot saka naglibot libot..

After 2 weeks pa ang nakalipas at nakapagtapos na sila ng first year.. Hanggang sa tumuntong na sila ni Elliot ng fourth year high school ay best friends pa rin sila. Hindi pa rin naalis kay Autumn ang pagkakaroon nya ng crush sa kaibigan niyang bading.. Lalo silang naging close. Akala nga sa kanila ng iba ay sila na pero kapag may nagtatanong sa kanila ay tawa lang ang isinasagot nila.

[Elliot’s POV]

 

Naandito ako ngayon sa hallway at hinihintay si Autumn. First day kasi namin ngayon bilang 4th year high school. Syempre ako, guwapo,macho,cute,mabait,athletic,matalino at popular pa din. Mayabang ba? Hahaha si Autumn lang naman kasi ang meron ako na maipagmamalaki ko bukod sa yaman namin.

“Elliot!!” biglang may boses na tumawag sakin. Pagkarinig ko ng boses na yun ay tila bigla akong nabuhayan ng dugo. Kilalang-kilala ko na kasi ang boses na yun..

“Autumn ang tagal mo naman” sabi ko kay Autumn na tumatakbo papunta sakin.

Ang ganda niya talaga. Habang papalapit na siya sakin, parang biglang huminto ang mundo ko sa pag-galaw. Nang nakarating na sya sa tabi ko, kinuha niya ang braso ko saka ipinalupot ang kamay nya dun.

“Sabay na tayo papuntang classroom bestfriend, magkaklase na naman pala tayo >.<” nakangiting sabi niya sakin. Nginitian ko na rin siya. Grabe talaga! Sobrang ganda niya..  >/////<

Habang naglalakad kami papuntang classroom, pinagtitinginan kami ng mga ibang istudyante kasi sa paningin nila kami na.. Kung totoo nga lang sana yun edi masaya na ako kaso hindi eh..

“Best, pinagtitinginan na tayo oh” sabi ko sa kanya

“pabayaan mo sila best” sabi niya lang sakin at lalo pang hinigpitan ang pagkaka-kapit sa braso ko..\

May nairinig naman akong nagbulungang mga lalaki.

“Ang ganda talaga ni Autumn no pare? Sexy pa!” sabi nung isa

“Oo nga pare eh, kaso syota na siya ni Elliot, wala naman tayong laban diyan eh” sagot naman nung isa.

Lihim naman akong napangiti sa narinig ko. Ha! Buti naman na alam nyo na sa akin lang si Autumn! Hahaha. Sobrang popular na rin kasi ni Autumn sa mga lalaki sa school namin dahil siya ang pinaka-magandang babae sa school.

Nang makarating na kami sa room, umupo na kami sa upuan namin. Magkatabi kami ni Autumn. Naguusap kami nang may biglang yumakap sakin.

“Hi Eliot Babes! I missed you?!!” sabi nung babae. Tiningnan ko si Autumn..

O___O



==========================================================

Oh my! Maerong girlaloo na mang-aagaw? Sino kaya ito?!!



Vote and Comment po :)

Falling In Love with my Gay Best Friend [completed]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon