Chapter 7: Sobra ka na talaga Carylle!

1.8K 20 2
                                    

[Elliot’s POV]

 

 

Habang naka-upo kami ni Autumn at nagkukwentuhan, biglang may tumawag sakin..

“Hi Eliot Babes! I missed you?!!” napatingin tuloy ako sa pinanggagalingan ng boses.. nagulat na lamang ako ng biglang may yumakap sakin..

“Carylle?!”

“Hi Elliot babes, did you miss me?” todo panglalandi pa sakin ni Carylle. Tiningnan ko naman si Autumn at mukhang bad mood.. J selos?? Hahaha. Nilingon ko ulit si Carylle

“Anung ginagawa mo dito? Akala ko ba nasa America ka?!”


“Na-miss kasi kita eh.. Hindi ka na umuwi sa America Elliot. I’m so damn lonely without you!” nag-pout pa ito..

Pagkatapos bigla namang dumating ang teacher namin. Agad namang umayos ng upo si Autumn at inalis na din ni Carylle ang pagkaka-yakap sakin.. Salamat naman..

“Class we have a transferee and from now on, she will be your classmate” pagkatapos ay pinakilala ng teacher namin kung sino iyon..

“Class, this is Carylle Anne DeGuzman, she is the daughter of one succesful business man” pagkatapos ay pina-upo niya si Carylle sa tabi namin ni Autumn.. Inis naman oh!


[Autumn’s POV]

 

 

Hmmpp! Leshe namang Carylle yan oh! Wala nang ginawa kundi pumulupot kay Elliot! Gawin ba namang unan! Grabeng maka-lingis parang ahas! Wala na tuloy kaming alone time ni Elliot dahil dyan sa pesteng babaeng yan!


Kapag recess at magkatabi kami ni Elliot, palaging nasingit yang babaeng yan! Nung lunch naman tinulak naman niya ko para sya ang katabi ni Elliot! Sinisubuan pa niya si Elliot! At eto namang baklang si Elliot, parang enjoy na enjoy pang sinusubuan ni Carylle! Sabagay, maganda naman kasi ang bruha pero kahit pa! Mas maganda pa rin ako sa kanya at kung feeling niya na maagaw niya sakin ang fafable Elliot ko, dyan sya nagkakamali! Magakaka-matayan muna kami ng bruha!

Nang mag-awasan na kami, nilapitan ko si Elliot..

“Ui bakla, tara! Sabay tayong umuwi please..” at syempre para sumama sya sakin at para sigurado na, nag-puppy eyes ako...

*__*

Hehe, kahit bakla ka, lalaki ka pa rin kaya imposibleng hindi ka tablan ng charm ko J

Falling In Love with my Gay Best Friend [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon