Chapter 8: Reconciliation

1.6K 24 0
                                        

[Elliot’s POV]

 

2 linggo na simula nung masigawan ako ni Autumn, hindi ko na sya naka-usap. Tumigil na rin siya sa pagtabi sa akin. Ultimo sa upuan sa room, nagpalipat siya. Hindi na rin niya ako pinapansin, nakaka-inis na nga eh. Hindi pa nya ako sinasabayan umiwi at kumain. Iniiwasan nya talaga ako! Ang masaklap pa dun, itong pesteng Carylle pa na ito ang sunod ng sunod sakin.. Ayoko na!

“Carylle, liwanagin mo nga ako, gusto mo ba talaga kaming paghiwalayin ni Autumn?”  inis kong tanong sa kanya. Bigla namang dumilim ang mukha niya..

“Ganun ka na ba kadesperada ha?!”

Tumingin siya sa akin, parang papa-iyak na siya

“Oo! Desperada na ako! Lagi na lang si Autumn! Nabibingi na ako! Bakit kailangang siya pa?! Ako ang unang nagmahal sayo kaya akin ka!” sigaw niya sakin. Nandito kami ngayon sa bahay namin kasi tapos na ang klase namin.

“Pero hindi kita mahal!”

“Kahit pa! Edi pilitin mo!”

Aba! Sinuswerte ka ah! Ayoko nga sayo! Si Autumn lang ang babaeng minahal at mamahalin ko noh!

 

“Sinasaktan mo lamang ang sarili mo Carylle! Alam mo namang kahit kelan ay hindi kita kayang mahalin!”  napasigaw ulit ako sa sobrang galit

“Bakit hindi?! Anu bang meron ang babaeng yan?!!” umiiyak na si Carylle na nakayakap sakin

“Lahat ng wala ka!” pagkasabi ko noon ay itinulak ko siya papalayo sa akin...

Kitang-kita ko ang sakit na nararamdaman niya. Hindi ko naman ginusto na ipamukha sa kanya na hindi ko siya gusto pero wala akong choice ayoko siyang paasahin lamang para sa wala..

Dali dali akong lumabas ng bahay at sumakay ng sasakyan..

Kailangan na kitang maka-usap Autumn, hindi ko na matiis ang sarili ko..

 

 

 

 

 

[Autumn’s POV]

 

 

 

Naandito ako ngayon sa kwarto ko at nagmumukmok. Kakatapos lang ng klase at kahit kasama ko palagi ang mga kabarkada ko, parang may palaging kulang..

Sus! Alam mo naman kung sinong kulang eh! Sino pa ba eh di si fafable Elliot moh! Sabi ng isang part ng puso ko.

Tama ang puso ko, si Elliot nga ang kulang. Pero kasalanan ko na rin ito eh, ako na kasi yung umiiwas. Hindi ko na kasi kayang nakikitang mag-kasama silang dalawa nung Carylle na yon!

Falling In Love with my Gay Best Friend [completed]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon