Chapter 11: Kami na!

1.5K 26 1
                                        

[Autumn’s POV]

 

 

 

3 months na simula nung manligaw sakin si Elliot. Hmmm... Ang sweet nya talaga! Palagi nya akong hatid-sundo, palagi nya akong treat sa lunch ang very thougthful sya.! He’s my ideal type of man! Hmm, grabe talaga, napaka-sincere nya sakin tapos, basta hindi ko ma-explain ang effort nya.. Kaya isang araw, nag-desisyon na ako..

Tinawagan ko siya at sinabing pumunta sa bahay namin..




[Elliot’s POV]

 

 

 

Sabado ng hapon nang bigla na lang ako tinawagan ni Autumn. Sabi nya may inportanteng sasabihin daw sya sakin. Hmmm, anu kaya yun? Masyado ba akong praning? Sumombra kaya ang efforts ko? Nakaka-suspense naman to!

Kaagad akong naligo at nag-bihis pagkatapos ay pumunta na sa bahay nina Autumn. Pagdating ko sa gate ng bahay (mansyon) nina Autumn, kaagad akong nag-doorbell. Pinagbuksan naman ako ng gate nung guard nila at pinapasok. Pagdating ko sa harapan ng pintuan nina Autumn, pinindot ko yung call button sa isang device na parang speaker pero voice access sya.

“Yes?” sabi nung sumagot

“Si Autumn po?” sabi ko. Syempre ayaw kong maging bastos noh! XD

“Si Autumn na’to, Elliot ikaw ba yan?”

“Oo, si Elliot to”

“Ah sige wait lang, buksan ko lang ang pinto ah”  and pagkatapos nun she hung up and ilang segundo lamang ay bumukas na ang pinto..

Nakatayo na pala si Autumn sa harapan ko, ang sexy niya grabe.. Naka-shorts sya tapos hanging t-shirt.

(Picture niya below ---------------------------------à)

“Bakit mo ako tinawagan?”  tanong ko sa kanya. Bigla naman syang natigilan at biglang yumuko.

Falling In Love with my Gay Best Friend [completed]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon