[Autumn’s POV]
“Autumn Babes koh!” sigaw ni Prince na naging dahilan upang magtinginan ang mga tao sa canteen sa amin. Si Prince ay kabarkada namin ni Elliot. 6 kaming mag-babarkada pero sa aming anim, ako lang ang nakaka-alam ng sikreto ni Elliot.
“Ano ka ba naman Prince! Wag ka ngang sumigaw! Nakakahiya sa mga tao eh mamaya baka kung ano pang isipin!” inis na sabi ni Autumn kay Prince. Napatingin naman si Elliot sa kanya saka ngumiti.
“Hay naku, wag mo ngang ganyanin si Prince, Autumn. Nilalambing ka lamang nung tao eh” sabi sa kanya ng super fafable na si Elliot.
“Inaaway na naman nya ako Elliot, huhuhuhu” Kunwaring umiiyak na sabi nito sa yumapos kay Elliot. Tiningnan naman niya si Elliot at naka-ngiti eto. Itong baklang eto ah! Tuwang-tuwa pa? Feel na feel pa niya ang pagyakap sa kanya ni Prince Ah! Sus! Naiinis na naisip niya. Bakit ba sya ganito? Parang galit na ewan!
Maya-maya ang kumalas na si Prince at sumeryoso ang mukha.
“Nakita nyo ba si Ashley ha?” tanong nito sa kanilang dalawa. Nagkatinginan tuloy sila ni Elliot saka napatawa.
“Ikaw ha, kunwari pang ayaw kay Ashley samantalang patay na patay naman” pang-aasar ni Elliot kay Prince
“Sus! Concerned lang ako dun sa tao. Kita nyo namang mortal enemies kami noon » sabi nito
“Sus! Kunwari pa!” tawa ko kay Prince
”Pero syempre, nakapag-move on na ako sa pambabasted mo sakin noon Autumn. Alam ko naman si Elliot lang ang tinitibok ng puso mo eh” sabay kindat nito sa sa akin. Agad naman akong namula sa sinabi ni Prince. Bigla na naman kasing tumibok ng malakas ang dib dib ko. Napatingin tuloy ako kay Elliot na naka-ngiti lamang sa sakin.
“H-hindi ah!” pag-dedeny ko. Pero hindi naman nga diba? Untag niya sa kanyang isipan.
Pagkatapos ang ilang minuto ay dumating na ang iba nilang kabarkada. Ang couple na sina Ace at Chloe at ang kanina pang hinahanap ni Prince na si Ashley.
“Guys tara na, malapit nang mag-bell” sabi ni Ashley. Napatingin naman silang lahat kay Prince na mukhang tuwang-tuwa. Tumayo na silang dalawa ni Elliot at pumunta na sila sa classroom. Sabay sabay na sila dahil mag-kakaklase naman sila.
Pagkatapos ng klase ay dumiretso kami ni Elliot sa mansyon namin. Hindi ko naman sinasabing mahirap sina Elliot ha. Mayaman din sina Elliot. May kumpanya din kasi ang mga ito sa Pilipinas. Ang pinag-kaiba lang namin ay mas malaki ang kumpaniya namin dahil international ang kumpanya namin.
Pagkadating namin sa bahay ay sinalubong agad kami ni Yaya Tasing. Kinuha nya ang bag namin ni Elliot at dumiretso na kami sa salas. Habang nag-uusap kami ni Elliot aka nag-kukwentuhan, walang ginawa si yaya tasing kundi ang tingnan kaming dalawa at tumawa. Ang weird !
Lumapit sa amin si yaya pag-katapos ay nag-salita..
« Hay naku iho, salamat at palagi kang kasama nitong si Autumn ha. Lonely kasi iyan dahil wala dito palagi ang mommy at daddy niyan » sabi ni yaya kay super fafable na si Elliot. Teka?! Anung fafable ka diyan e bading yan! Hmm.. Autumn.. Nalandi ah, hindi yan pwede kasi alam mo na...
Ngumiti na lang si Elliot kay Yaya Tasing. At home na at home kasi siya dito sa bahay/mansyon namin kaso simula first day ng school, palagi na siyang naandito kapag awasan kasi palagi ko syang isinasama. Parang sariling anak na nga rin ang trato sa kanya nina mommy at daddy dahil palagi siyang naandito. Kulang na nga lang dito sya matulog eh =_=... Pero okay lang atleast, may kaibigan ako na palagi kong karamay at kasama.
“Ay yaya, sabi nga po pala nina mommy at daddy, sabihin daw po kay tito at tita kung may iba pang kailangang ayusin sa business nila dito sa Pilipinas” sabi ni Elliot kay yaya. Bukod kasi sa mag-kaibigan ang mga magulang namin, business partners din sila.. Hay naku..
“Ay oo, sabi naman ni mam ay wala na naman daw problema” sabi na lang ni yaya..
Masyado na akong na-aout of place sa usapan nila. Tumayo at hinigit si Elliot papuntang kwarto niya sa taas.
“O, saan tayo pupunta?” tanong nito sa kanya
“Heh! O.P na ako sa inyong dalawa! Bruha ka” sabi ko sa kanya. Tinakpan naman niya ng kamay niya ang bibig ko.
“Ang ingay mo girl! Bubusalan kita!” pabirong sabi nya sakin. Tumawa na lang ako at dinala na siya sa kwarto ko.
[Elliot’s POV]
Hello nga pala! Ako si Ren Elliot Montemayor pero ang tawag sakin ay Elliot. Kung nagtataka kayo tungkol sa gender ko hmm... Secret! Basta may dahilan!
Nandito na nga kami sa kwarto ni Autumn. Habang nag-kukwento siya sakin, hindi ko maiwasan ang tumitig sa maganda niyang mukha..
“Ang ganda mo talaga” nasabi ko ng hindi sinasadya
“Huh?” nagtatakang tanong niya sakin..
“Ang sabi ko ang ganda mo girl! Bongga!” pagpapalusot ko na lang
“Ah.. ok” sabi niya sakin tapos nginitian ako.
“Elliot, may sasabihin ako sayo..” napatitig ako sa kanya...
Anu kaya ang sasabihin niya sakin?!!
===================================================================
Anu kaya ang gustong sabihin ni Autumn kay Elliot? Aamin na kaya ito?
hmm.. abangan niyo na lang sa next chap..
BINABASA MO ANG
Falling In Love with my Gay Best Friend [completed]
Roman pour Adolescents1st year high school si Daphne Autumn Ponteverde nang lumipat ito sa CEU o Carlen Eastern University. Kakabalik lang kasi ng kanyang pamilya sa Pilipinas matapos manirahan sa United States dahil sa kanilang negosyo. Doon na sya ipinanganak at lumaki...