Eyes

49.7K 1.3K 20
                                    

Chapter 3:

Victoria's POV:

Tinitigan niya ang mga bagay na pwedeng ibenta niya sa loob ng bahay nila, napagdesisyunan niyang ibenta na ang TV, ang washing machine at ilang mga antique na mga pinggan na namana niya sa Lola niyang namayapa na.

Nasabi dati ng mama niya na antique ang mga iyon, kaya naman iniisip niya kung ibebenta niya ba iyon online or sa mga antique shops na lang.

Bumuntong hininga siya.

Kailangang kumayod siya ng husto, at mukhang maghahanap siya ng dagdag trabaho para madadagdagan ang panghuhulog niya sa mga loansharks.

Ayaw niyang maulit ang mga nangyari nung pinasok siya ng mga ito, pakiramdam niya ding hindi na din siya safe sa bahay nila, dahil kahit naka lock iyon ay napasok pa rin iyon.

Napatitig siya picture frame na kung saan nandoon nang picture ng mga magulang niya at siya nung bata pa.

"Mama, Papa? Tulong naman diyan" sabi niya sa mga picture.

Sana talaga, tulungan siya ng mga magulang niya sa langit.

Hay naku..

Tinignan niya ang oras at nakita niyang kailangan pumasok na siya sa trabaho niya, sana may makita siyang part time job niya.

--

Gumagawa siya ng report nung biglang tumunog ang landline na malapit sa desk niya, kaagad niyang sinagot iyon.

"Yes, hello good morning" bati niya sa kabilang linya pero walang sumagot.

Nag angat siya kung may sasagot kaya nung wala ay ibinaba niya iyon.

Wala pang ilang segundo ay tumunog ulit iyon.

"Good afternoon, hello" magalang niyang sabi.

Walang salita ulit kaya nagsalita siya.

"Have a good day, good bye" sabi niya ulit.

Nang tumunog ulit iyon ay doon na nag init ang ulo niya.

"Hello!" Sabi niya at nung walang nagsalita ay naiinis na sinabihan niya ito.

"..excuse me, if wala lang magawa, don't bother to disturbed someone who's working, good luck in your life!" Saka niya ibinagsak ang phone.

Nakakainis ang mga walang magawa sa buhay,bwisit!

Masyado na yata siyang stressed, ang mga mababaw na bagay ay naiinis na siya.

Iniyuko niya ang ulo at yumukyok.

Bakit ang unfair ng buhay niya?

Pakiramdam niya habang buhay na yata siyang magiging alipin ng utang.

Mabilis niyang tinapos ang mga report at naghanda na para umuwi, habang naglalakad siya ay parang naramdaman niyang parang may sumusunod sa kanya.

Mabuti na lang at medyo marami pang tao, kaya naman nagtatakbo siya.

Naalala niya kasi ang banta sa kanya ng isang loanshark.

Baka kasi tangkain nitong samantalahin na nag iisa siya.

Nang nakapasok siya sa bahay niya ay pinakiramdaman muna niya ang paligid at kinuha ang tubo na nasa malapit sa pintuan.

Dahil sa mga nangyari ay magiging paranoid na siya, naglalagay siya ng mga armas sa buong bahay niya, gaya ngayon itong tubo, sa banyo ay isang kutsilyo, at ilang tinidor.

Beautifully Damaged: Callum ( Exhibitionists) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon