Chapter 18:
Victoria's POV:
'Tita? Nandito po kami " sabi niya sabay gagap sa kamay nito at inilapit iyon sa pisngi niya.
"We will still talk, Victoria" narinig sabi ni Callum sa kanya, pero hindi niya ito pinansin dahil tinitigan niya ang tiyahin.
Lumunok siya at kunwari ay hindi ito narinig.
"Okay na ba kayo, Tita?" Tanong niya dito, hinang hinang tumango ito, ngumiti siya.
At least sa lahat ng mga nangyari ngayon, may isang positibong nangyari.
Natutuwa siya dahil nagiging okay na ang tiyahin niya, pero kailangang masabi niya ditong aalis na siya sa bahay ni Callum.
Pero paano niya sasabihin iyon dito kung mahina pa ito? Paano kapag sasabihin ba niya dito, hindi ito aatakihin ulit?
Mukhang kailangang maghintay pa siya ng ilang araw bago niya masabi dito.
"Why didn't you tell us na may sakit ka na pala?" Callum's voice is filled with sulky yet worried voice.
"Pinag akala mo kami ng husto" nakangiting sabi niya, ayaw niyang makita nitong nag aalala siya ng husto, mukhang ayaw nitong ipaalam sa kanila na may sakit ito para iwasan nito ang ganitong eksena.
"Matháir, next time, please! Tell us that you are ailing" sabi ni Callum at hinaplos na nito ang pisngi ng tiyahin niya.
Bumuntong hininga siya.
Lihim niyang sinundan ng tingin ang bawat gagawin nito kaya halos minsan ay nahuhuli siya nitong nakatingin dito.
"We're not yet done" sabi nito sa kanya.
Pero ayaw niya.
Desidido na siyang iwasan ito para hindi na din lumawak pa ang nararamdaman niyang pagkahulog ng loob niya dit-
Natigilan siya.
Hindi.
Umiling siya.
Hindi pwedeng mangyari ito!
Pag na in love siya dito, wala siyang pag asa na makita siya nito bilang isang babaeng pwedeng mahalin, nakikita siya nito na parang isang mamahalin laruan.
At wala siyang balak na maging laruan nito.
"Tapos na kung anumang laro ang gusto mo, Callum" matigas niyang sabi.
Kailangang makaalis na talaga siya sa poder nito.
Kailangang patayin na niya kung ano ang nararamdaman niyang anuman para dito, dahil hindi pwede.
Natatakot siya.
Naisip niya tuloy, paano kung maging matandang dalaga na siya gaya ng tiyahin niya? Mukha namang masaya ang maging ganoon.
Pero paano na ang masarap na halik nito?
Ipinilig niya ang ulo.
Tumigil ka.
--
Lumipas ang ilang araw hanggang sa pwedeng maiuwi na ang tiyahin niya.
Ilang araw na ginawa niya lahat para iwasan si Callum, at masama na yata ang ugali niya dahil ginagamit niya ang tiyahin para makaiwas dito at inaalagaan niya ito.
Habang si Callum naman ay ginagawa din nito ang lahat para makorner siya at makausap siya nito.
Mabilis siyang umaalis pag nandito na ito at kunwari ay naghahanda siya para sa gamot at kailangan ng tiyahin niya.
"V-victoria?" Tawag sa kanya ng tiyahin
"Po?" Gulat niyang tanong dahil nasa kwarto siya nito at sinusubuan ito ng pagkain.
"Iniiwasan mo ba si Callum?" Tanong nito sa bahagyang bahagyang mahina pa rin ang boses nito.
"H-hindi po tita"tanggi niya.
" Tita? " sabi niya nakalipas ang ilang sandali.
Tinignan siya nito.
"Kailangan ko na pong umalis dito" sabi niya.
Bumuntong hininga ito.
"Hija, si Callum ang dahilan di'ba?" Tanong ng tiyahin niya.
Hindi siya umimik.
"Sige, ikaw ang bahala, pero kailangang tanggapin mo ang tulong na inaalok ko okay?"' Mahinang sabi nito.
Napatitig siya dito.
"T-talaga po?' Tanong niya.
Tumango ito.
Natutuwa ng niyakap niya ito.
"Thank you po tita!" Sabi niya habang yakap niya ito, tatanggapin niya ang tulong na sinasabi nito.
Basta kailangang makaalis na siya .
Nang nakalabas siya sa kwarto ng tiyahin ay agad siyang pumasok sa kwarto at naghanda na sya para sa trabaho niya.
Naghahanap na din siya ng malilipatan, may nakita na din siya, medyo malapit sa school na pinagtatrabahuan niya, pero medyo malayo sa bahay ni Callum.
Buong maghapon ay nagtrabaho siya ay hindi niya pinagtuunan ng pansin na isipin pa si Callum dahil talagang pinapatay niya ang anuman na mararamdaman niya
Kaya nagulat siya nung isang araw ay narinig niya sa TV na fashion week pala ngayon sa ibang bansa kaya naman pala hindi niya ito nakikita.
Namimiss na niya i-.
Ipinilig niya ang ulo
Mas mabuti nang ganitong wala at hindi niya ito nakikita. Para naman makalimutan na niya ito.
Parang may kumirot na masakit na bagay sa dibdib sa naisip na kalimutan ito.
Dumaaan ang ilang araw at mukhang sumuko na din yata si Callum at hindi na siya kinukulit nito.
At hindi na din ito nagpapakita sa kanya...
Kumusta na kaya ito?
Nakakita na kaya ito ng babaeng gagawin na naman nitong laruan?
Pakiramdam niya parang nasusugatan siya.
Namimiss din kaya siya nito?
Nababaliw na yata siya?
Imposible kasi.
Bumuntong hininga siya.
Akmang matutulog na siya sa bagong apartment niya nung biglang nag ring ang cellphone niya.
"Yes hello?" Tanong niya.
"I told you before"...
Agad niyang nabosesan ang tumatawag.
"...Hindi pa tayo, tapos Victoria..I'm coming to get you back".
---
(A:N)
Medyo maisi since masakit na talaga ang kamay ko huhu bye guys!
BINABASA MO ANG
Beautifully Damaged: Callum ( Exhibitionists) Completed
Ficção GeralBecause of his broken childhood, Callum already experienced the most humiliating moments and painful events of his life. Those incidents became his problems as he grow old, he became the most successful ramp and sexy model, people thought why a man...