Chapter 7:
Victoria's POV:
Napatanga siya sa sinasabi ng tiyahin niya.
Anong ibig sabihin niyon?
"Ano po?" Maang tanong niya.
"Narinig mo ako, Victoria hija" sabi nito.
Nanlalaki ang ulo niya sa narinig.
"Gusto niyo pong tumira ako dito?" Tanong niya dito.
Lihim niyang sinulyapan ang binatang nakitaan niya kanina ng 'kayamanan' nito.
Hindi pa rin maalis sa utak niya ang nakita niya kanina, ngayong nasa dining table sila at magkakaharap ay namumula ang pisngi niya.
Anong magagawa niya eh sariwa pa sa isip niya ang nakita.
Ngayon lang siya nakakita ng ganoon eh, hindi niya akalaing makakakita siya ng ganoon ng live tapos ...ang laki laki pa.
Tumikhim siya at iniwas ang mata nung biglang nagtama ang mata nila.
"Oo, isa 'yon sa dahilan kung bakit ka dinala dito ni Callum" sabi ulit ng tiyahin niya.
Napatitig siya dito, bakit nito gustong tumira siya dito? May alam ba ito sa buhay niya- teka sandali lang, kung nalaman nito ang bahay niya..hindi malayong alam na din nito ang nangyayari sa kanya?
"T-tita, ano po, m-may alam na po ba kayo sa nangyari sa akin nung nakalipas na araw?" Nahihiyang tanong niya.
Tumango ito.
"Si Callum ang nagsabi sa akin ng lahat, siya ang nag imbestiga at siya ang naghanap sa'yo." Paliwanag ng tiyahin niya.
Tumango na lang siya.
"Hindi ka na safe sa bahay mo, kaya napagpasyahan kong dito ka na lang patirahin, at kami na ang bahala sa mga nanggigipit sa'yo."
Napalunok siya.
Tapos ay tumingin siya kay Callum, nakita niyang nag iigtingan ang muscle nito sa panga, galit na ito?
Kanino?
"P-pero okay lang po ba kay Ca-sa kanya?" Kinagat niya ang loob ng pisngi muntik na niyang tawagin ito sa first name nito.
"You are welcome here" narinig niya sabi nito.
Napatingin siya dito.
Rinig na rinig niya ang accent nito.
Ewan niya pero ang sexy talaga ng accent nito.
Napalunok siya nung napansin na titig na titig ito sa kanya.
"S-sige" sabi niya at nagbaba ng tingin.
Bakit pakiramdam niya may mga magaganap na kakaiba sa bahay na 'to?
--
Kinabukasan ay kataka takang nakatulog siya ng mapayapa sa bahay na 'to, in fact magaan nga ang ulo at pakiramdam niya nung nagising siya.
Dahil nakatulog siyang ligtas at hindi siya mahahanap ng mga pinagkakautangan niya.
Nag inat siya.
Tinignan niya ang buong paligid at bagamat bago ang mga nakikita niya ay hindi siya nakakadama ng pagkailang.
Kay Callum lang di'ba? Sabi ng isip niya.
Kung bakit naman kasi nakita niyang nakahubad ito, hindi lang hubad, talop na talop.
At ang gwapo pa nito.
Iyong mga tipong kahit sa isang beses na tatapunan mo ng tingin, ay gwapo talaga.
BINABASA MO ANG
Beautifully Damaged: Callum ( Exhibitionists) Completed
Ficção GeralBecause of his broken childhood, Callum already experienced the most humiliating moments and painful events of his life. Those incidents became his problems as he grow old, he became the most successful ramp and sexy model, people thought why a man...