Chapter 24:Victoria's POV:
Huminga siya ng malalim para kalmahin ang sarili.
"P-pwede po bang tumanggi?" Sabi niya.
Umiling ang abogado.
"Ang nasa will ng tiyahin mo, ang maging ligtas ka, kahit na wala na siya, kaya kang protektahan ng iniwanan niya..at ang bagong guardian mo ang bahalang guide mo" sabi ng abogado.
Naipikit niya ang mata.
Ano bang iniisip ng tiyahin niya?
Ligtas nga siya..eh ang puri niya?
Napakurap siya.
Sabi sa will, guardian niya ito.
"Sandali Attorney, kapag ba..guardian siya na ang bahala sa lahat?" Tanong niya, tumango ito.
"Kailangang sundin ko ang mga kondisyon niya?" Tanong niya.
"Why is it so hard for you to accept that I am now you're legal guardian?" Mapait na tanong ni Callum.
Natigilan siya.
"May alam ka ba sa plano ni Tita?" Madiin niyang tanong dito.
Hindi nito sinagot ang tanong niya ang tinignan siya, uminit ang ulo niya.
Bakit pumayag ang tiyahin niya?
Hindi kaya pineke ni Callum?-
Hindi.
Hindi naman siguro.
"Siguro, kayong dalawa na lang ang mag usap Ms. Chung" sabi ng abogado, wala sa loob ng tumango siya, hindi niya alam ang iisipin.
Bakit parang may pakiramdam siyang pinagkaisahan siya?
"Ano ba talagang nangyayari, Callum?" Tanong niya dito.
"Simple, remember when I said in the future, ako ang makakasama mo? I'm you're guardian now at magagawa ko na lahat ang mga gusto kong gawin...sa'yo " sabi nito.
"No" sabi niya.
"What do you mean no?" Kumunot ang noo nito.
"Kaya kong tumanggi sa mana, Callum" sabi niya.
"You're already mine-"
"Bwisit! Ano ba! Wala ka na bang sasabihin kungdi pag aari mo ako!" Naiinis na siya, bakit lagi nitong sinasabi nito iyon, bakit hindi na lang sabihin nitong gusto siya nito?
Iyon ang gusto niyang marinig mula dito.
Ayaw niyang maging laruan nito, gusto niyang may lugar siya sa buhay nito, hindi nitong isa lang siyang naging babaeng natikman nito.
Hindi siya pinalaki ng ganoon ng mga magulang niya.
"It's true..you are mine!" Sabi nito, hindi na niya pinigilan ang sarili at nag walk out na sa harap nito.
"Bwisit talaga!" gigil niyang sabi.
"Do not dare walk out on me!" Sabi nito.
Nasa kusina na siya kaya sumigaw siya.
"Ginawa ko na! Huwag mo akong lalapitan ,manyak na, babaero ka pa!" Sigaw niya.
Parang may hinahati sa loob niya sa sinabi nito, ito ang magiging guardian niya, at wala siyang karapatang tumanggi? Ano siya? Puppet?
Kayang kontrolin nito?
Anong labas niya?
Laruan..
BINABASA MO ANG
Beautifully Damaged: Callum ( Exhibitionists) Completed
General FictionBecause of his broken childhood, Callum already experienced the most humiliating moments and painful events of his life. Those incidents became his problems as he grow old, he became the most successful ramp and sexy model, people thought why a man...