Spicy (mild spg)

45.5K 1K 7
                                    


Chapter 30:

Victoria's POV:

Malakas na malakas ang tibok ng puso niya habang tinitigan ang mga gamit na hawak niya, hindi niya alam na may mga ganitong bagay pala sa mundo, akala niya dapat na iyong mga ginagawa ng couples.

Naeenhance pa pala ang mga iyon, hindi niya alam kung anong sumanib na kakerengkengan sa kanya kung bakit parang gusto niyang subukan ang mga gamit na mga ito.

Masakit kaya?

May hugis ano..bahagya siyang namula nung naalala ang sinabi ni Callum kanina na nagba-vibrate daw iyon, parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa pagkababae niya sa narinig na eksplenasyon nito.

Tapos iyong singsing ng ano..iyong- ah basta iyon na 'yon! Tili ng isip niya.

Hindi daw basta basta 'lalambot' iyon.

Inilibot niya ang mata at nakita niya ang isang medyo mataas na upuan , mukha itong dentist chair pero mas maiksi ang uupuan mo.

Ano kaya 'to?

Teka? Ano kaya kung?

"L-let's go?" Narinig niyang sabi ni Callum, may tumutol sa isip niya sa sinabi nito.

Bago pa man siya nakapagisip ng husto ay nasabi na niya ang isang bagay na kanina pa gumugulo sa isip niya.

"Callum, gawin mo sa akin ang mga gamit ng mga gamit na 'to" bigla ay sabi niya, napalunok siya, sana gumana ang plano niya.

Kitang kita niya na lumarawan ang shock, disbelief at apoy sa mata nito.

"NO" mariing sabi ni Callum.

"Bakit?" Maang tanong niya, akala niya ay papayag ito, nakita niya kasi sa mga mata nito na gusto nito ang sinabi niya.

"It's because I said no" his voice thick with finality.

"Sabihin mo muna sa akin ang rason, Callum" seryosong sabi niya.

"Dahil ginagawa ko lang 'to sa mga babae ko, Victoria" sabi nito, nawalan siya ng imik.

"Pero ano ba ang kaibahan ko sa mga babaeng iyon, Callum?", tanong niya.

"It's because I love you, and I respect you! And you're are going to be Mrs. Callum McLeod" Tila nawawalan na nang pasensyang sabi nito, kinikilig naman siya sa sinabi nito sa kanya.

Nirerespeto siya nito.. nakuha na niya ang isa pa sa gusto niyang marinig mula dito..

Awww..

Ngayon lang siya kinilig ng husto, sabagay ito lang naman kasi ang nagpapakilig sa kanya.

May pilya siyang naisip.

"Pero hindi ko pa tinatanggap ang proposal mo, Callum-" napatili siya nung bigla siya nitong hinila mula sa bewang niya ang idinikit ng husto sa katawan nito.

Agad na parang sinilaban ang katawan niya nung dumikit ang dibdib niya sa sinabi nito.

"Whether you like it or not, magiging akin ka!" Madilim ang mukha sabi nito.

Lumunok siya, mukhang nasobrahan yata siya.

"T-totoo naman, isa ako sa mga babae mo-"

"NO!" Sabi nito at hinawakan ang mukha niya at masuyo at maalab siya nitong hinahalikan, umungol siya sa nararamdaman niyang init mula sa katawan nito, at sa mga labi nitong umaangkin..sumusuyo sa labi niya.

Kung kanina ay may gusto siyang malaman, ngayon may gusto na siyang maranasan...

Gusto na niyang subukan ang mga bagay na nandito sa loob ng kwartong 'to.

Beautifully Damaged: Callum ( Exhibitionists) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon