Unleashing

43.3K 1.3K 45
                                    

Chapter 10:

Victoria's POV:

Napansin niyang wala yata si Callum nung dinner na.

Kaninang umaga lang niya ito huling nakita, nung nag usap kaya ang tiyahin niya at ito, napagalitan kaya si Callum?

At bakit naman siya napagalitan, aber?

Bakit nga ba? Dahil nakita nitong hawak siya ni Callum habang hubad ito?

Pero parang sanay naman na ang tiyahin niyang nakitang nakahubad ito.

Hindi kaya ito ang nag alaga kay Callum simula nung baby ito?

Mabilis siyang nagbilang, kung bata pa lang siya nung naitakwil ang tita niya noon, eh bente sais pa lang siya, at mukhang mas matanda sa kanya si Callum.

Ibig sabihin hindi nito nakita si Callum nung ipinanganak ito.

Puzzled siya.

Anong meron?

Ipinilig niya ang ulo.

Nagiging malisyosa siya.

Bakit parang nagseselos siya?

Nasisiraan na yata ako ng ulo.

Nasaan na kaya ito?

Tinignan niya ang tiyahin at nakita niyang tahimik itong kumakain.

Ayaw naman niyang tanungin ito dahil baka magiging may malisy-

Ano ba 'tong iniisip niya!

Dapat wala siyang maging pakialam, patay malisya lang dapat at maging cool siya gaya ng ipinapakita niya sa school bilang guidance.

Saka nakikitira lang siya dito, temporary lang, kaya dapat hindi siya nakikisawsaw sa eksena ng bahay na 'to.

"Vicky?"

Muntik na siyang napatalon sa gulat ng biglang tawagin ng tiyahin niya ang pangalan niya.

"Po?" Sabi niya.

"Tungkol sa bahay mo.." Pamumula nito at lumunok siya.

"Opo?" Tumango siya.

"Napagdesisyunan kong bay-"

"Hey everyone!" Malakas na sigaw ng isang boses.

Sabay silang napatingin sa dumating.

Nakita niyang nakatayo malapit sa dining table si Callum, mukha itong pagod at inaantok pero ang gwapo talaga nito.

Saan kaya galing ito?

Sa trabaho?

"Kumusta ang photo shoot, Callum?" Sabi ng tiyahin niya.

"Photo shoot?" Takang tanong niya.

Nagtatakang tumingin naman ang dalawa.

"Are you serious?" Takang tanong naman ni Callum sa kanya.

Kumunot ang noo niya.

"International model siya hija" sabi ng tiyahin niya.

"And I'm famous-"

"Pero hindi sa mata ni Victoria" sabi ng tiyahin niya at tila natatawa sa mga nagaganap.

"Model ka?" Tanong niya kay Callum, kita ang gulat sa mata nito.

Parang hindi ito makapaniwala na may isang taong hindi nakaka kilala dito.

"Oo hija, ramp and print ad model siya" paliwanag ng tiyahin niya.

Beautifully Damaged: Callum ( Exhibitionists) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon