Chapter 15:Victoria's POV:
Biglang parang may kumirot sa dibdib niya sa narinig na sinabi ni Callum, parang mauulit ang sakit na naramdaman niya dati nung biglang namatay ang mga magulang niya.
"C-callum s-si tita, p-puntahan na natin" nanghihinang sabi niya.
Hindi pwedeng nawala sa kanya ang tiyahin niya, ito na lang ang nag iisang kamag anak niya sa mundo.
Napansin niyang parang saglit din itong natulala sa narinig nitong balita.
Alam niyang kapareho niyang nabigla ito pero nakita niyang linalakasan nito ang loob.
"Y-yes, let's go" sabi nito at mabilis nitong pinaandar ang sasakyan, habang pinapatakbo nito ang sasakyan ay manaka nakang tumitingin ito sa kanya.
Kaya naman nagulat siya nung bigla na lang nitong hinawakan ang kamay niya.
"She's strong, Victoria" sabi nito at hinawakan nito ng husto ang kamay niya, mainit ang kamay nito, parang may mainit na bagay na hinaplos sa puso niya dahil sa sinabi nito.
Dahil doon parang bahagyang nawala ang takot at agam agam niya.
Bumuntong hininga siya.
Nang nakarating sila doon ay agad nilang hinanap ang kwarto nito, at sinabihan silang nasa ICU ito.
Napalunok siya.
Kapag ICU ang isang pasyente, round the clock ang pagbabantay dito dahil medyo delikado ang lagay ng pasyente.
Pinagsuot sila ng scrub suit at mask bago sila pumasok at nakita niya ang tiyahin na may nakakabit dito na oxygen mask at mga monitors sa tabi nito.
Naiiwas niya ang paningin dito, para kasing hinang hina ito, hindi siya sanay na makita itong ganito, sa loob ng ilang araw na nakasama niya ito nakita niyang malakas at masigla ito.
Paano pa kaya si Callum?
"How is she" tanong nito sa doktor.
"Luckily this attack she had right now is not fatal, unlike the first time she had it, based on her examination last week it appears her cholesterol levels aren't that high and-"
"Wait a minute! You mean to say she had a heart attack before and you didn't even bother to give me a noticed?" Bagamat mahina ang pagkakasabi nito ng mga salita nito ay mariin ang mga iyon at halata doon ang inis.
"I'm sorry..., but my patient told me not to tell you anything about her condition" bumuntong hiningang sabi ng doktor.
Natigilan silang dalawa ni Callum.
"But eventually you told us" sabi ni Callum.
Bumuntong hininga ang doktor.
"Yes, what we need to do now is to take care of her more"
Nagbigay ito ng mga gamot sa nurse at nagpaliwag pa ito tungkol sa sakit sa puso at tapos ay iniwanan na sila nito.
Bumuntong hininga siya.
"I'm going to stay here, you should go home first-"
"Hindi, dito lang ako, Callum" putol niya sa sasabihin nito.
Tinitigan siya nito.
"Alam kong matagal no na siyang kasama, pero ako, kakakilala ko pa lang sa kanya" sabi niya dito.
"Gusto ko siyang alagaan" patuloy niya nung hindi ito umimik.
Bumuntong hininga ito.
"Fine, you will stay here just for tonight and you will go home tomorrow morning, not buts no ifs" pinal na sabi nito.
BINABASA MO ANG
Beautifully Damaged: Callum ( Exhibitionists) Completed
Fiction généraleBecause of his broken childhood, Callum already experienced the most humiliating moments and painful events of his life. Those incidents became his problems as he grow old, he became the most successful ramp and sexy model, people thought why a man...