Chapter 8:
Victoria's POV:
Nanlaki ang mata niya.
Pati yata butas ng ilong niya.
Ano daw?
"A-anong sabi mo?" Maang tanong niya, baka mali lang siya ng dinig.
Paano ba naman ito magsasalita ng ganoon eh ang gwapo nito.
Mali siya ng dinig...tama?
"You know what lass, you have this cute attitude to ask someone to repeat the things they say" sabi nito at nakataas ang sulok ng labi nito.
Na parang tuwang tuwa ito sa kanya.
Lumunok muna siya.
"A-ano ulit?" Tanong niya.
Nagulat siya nung biglang hinawakan nito ang balikat niya gamit ang malalaking kamay nito at napatili siya ng bahagya nung inihiga siya nito habang hawak nito ang balikat niya.
Habang ito ay halos nasa gilid niya at nakaupo ito sa kama niya.
"Callum!" Bulalas niya.
Napatitig ito sa kanya.
"I didn't know my name will be sounded so beautifully when it came from those beautiful lips of yours.." Sabi nito sa kanya na ikinagulat ng mukha niya.
Naitikom niya tuloy ang mga labi, tumawa ito.
Napatitig naman siya dahil tumawa ito.
Bagay na bagay dito ang tumawa at ngumiti..parang ang gaan gaan sa pakiramdam.
"If you keep on staring me like that, I will remove all of my clothes" sukat sa sinabi nito ay napatili siya.
"Hush" sabi nito at tinakpan ang bibig niya gamit ang kamay nito, pinaalis niya iyon.
"Bastos! Bitiwan mo na nga ako, gusto ko nang bumangon" Sabi niya pero tumawa lang ito.
"Not until you will answer my question for you" sabi nito at pilit siyang bumangon pero walang nangyari.
"Ano ba!" Reklamo niya.
"Just answer me first" nakangiting sabi nito, ang lakas lakas na nang kabog ng dibdib niya sa totoo lang, ang lapit lapit ng mukha nito tapos ang bango bango pa niya.
Sana hindi nito naririnig ang tibok ng puso niya.
"A-ano ba kasi ang tanong mo?" Tanong niya.
"Make me your boyfriend" sabi nito na parang may binibili lang.
Kung ganoon tama nga ang narinig niya kanina.
"P-pero bakit?" Tanong niya, imposible namang gusto siya nito.
Eh siya?
Oo aaminin niya, naattract talaga siya dito, ang gwapo kasi nito at parang iniligtas na din kasi siya nito nung bigla siyang kinuha nito sa bahay niya.
"So you will have the reason na pumayag kang magpahatid sundo sa akin" sabi nito.
Hayun.
Disappointed siya.
Bumuntong hininga siya.
"Hindi..ayoko" madiin niyang sabi.
Tinitigan siya nito.
Tapos ay binitiwan na nito ang balikat niya.
"Oh well, tough luck" sabi nito at tumango mula sa pagkakaupo sa kama niya, parang wala nga lang dito ang sinabi niya eh.
BINABASA MO ANG
Beautifully Damaged: Callum ( Exhibitionists) Completed
General FictionBecause of his broken childhood, Callum already experienced the most humiliating moments and painful events of his life. Those incidents became his problems as he grow old, he became the most successful ramp and sexy model, people thought why a man...