MBL 19

1.4K 21 8
                                    

Someone's POV

--FIELDTRIP 4 --

Mahal kita Sharlene. At gagawin ko ang lahat para mapasakin ka lang. Kahit ang kapalit pa ay ang pagkakaibigan pa namin ng mga bestfriends ko. Kaya kong isugal ang lahat. Sa ngayon,one-sided love lang ito. Pero di magtatagal,i can make you fall in love with me. Teka,ayan na sila Sharlene.

"Hi ___". Bati nya sakin.
"Yo Sharlene! Kumain kana?!" Tanong ko. Para maka-pogi points naman ako.
"Ay actually hindi pa. Pero sabay-sabay nalang tayo. Oo nga pala,where's Alexa?" Tanong nya. Abay malay ko ba kay Alexa. Di ko naman type yun XD
"Ewan ko eh. Nandyan lang siguro sya. Sige. Luto muna ako ha." Sabi ko sabay aya kay Jairus magluto.

Nash's POV

Ang dami nang nag-comment sa instagram post ni Sharlene. Alam ko naman kung sino yun eh. Si Jairus yun. Naka-tag sa kanya eh. Bawat pupunta sa kubo number 6 sinisipat ng mga girls at boys yung hena. Kanina nga kala nila ako yun eh. Tas may bagong loveteam sila. 'JaiLene'. Ang corny nga eh. =___= Eto,kasama ko si Jai nagluluto.

"Jai,san nga pala si Paul??" Tanong ko kay Jairus.
"Ha? Umihi lang ata. " Sabi nya.
"Hi mga tol!" Bati ni Paul.
"Nasan kaba nanggaling?" Tanong ko kay Paul.
"Ah. Umihi lang ako tapos kinausap ako ni Maam Nolan." Sabi nya sabay tulong naden sa pagluluto.
"Anong sinabi??" Sabi naman ni Jairus.
"Kung gusto daw naten magpuyat ngayon,gawin na natin. Chaka kung ano daw gusto natin basta wag lang yung ikakapahamak naten. Kase daw bukas,magsasama-sama ang lahat ng estudyante ng Lamberto Uy para libutin tong Bora. Since lahat naman ay di pa naikot,gagawin na talagang tour. Kase diba nagsari-sarili tayo ng 2 araw. Bukas daw may matututunan tayo." Mahabang sabi ni Paul.
"Wow speech!" Loko ni Jairus.

"Oh sige mga bro. Iwan ko lang muna kayu dito. 7:00 pm palang naman eh. Aakyatin ko muna yung puno ng buko dun sa harap para may juice naman tayo mamaya." Sabi nya.
"Ingat ka ha." Sabi ko. Baka mahulog.
"Oo!" Sabi nya.
"Yo!'' Sabi ko.
"Yo!" Sabi naman nya.
"Yo!" Gaya den ni Jairus. Natwa kaming lahat tapos umalis na si Paul.

Mika's POV

Nakakainis naman si Maam Nolan eh. Bakit pa kami yung magkapartner ng halimaw na Paul nayun. Ang hassle! =_= Tapos pinilit nya pa ako sumama sa kanila ng barkada nya. Eh alam naman nyang andun si Sharlene at Alexa. Sarap sapakin ng gago eh :v

"Hi Weirdo!" Sabi nya sakin. Eto nanaman sya. Nananahimik akong nakaupo dito sa bangka eh.
"Kung bibigyan ba kita ng lima maghahanap ka ng kausap mo?" Sabi ko sa kanya sabay irap.
"Ang sungit mo naman. Ikaw na nga tong kinakausap ko eh." Sabi nya. Ang yabang talaga! Porket ano lang. Porket crush ko sya.
"Hoy! Excuse me! Ibahin moko dahil ayaw kitang kausap." Sabi ko sabay irap ule.
"Bahala ka na nga. Choosey kapa." Ay ang kapal ng muka netong hayup nato. Umakyat sya sa puno ng buko. Kinakabahan ako kasi madilim naden at mataas ung puno,baka mahulog sya. Syempre may paki paren naman ako sa kanya.
"H-hoy! Paul bumaba ka nga dyan! Mamaya pag nahulog ka dyan,may kapartner ako bali ang isang paa sa foundation day next week!" Sabi ko. Half-lied. May presentation kase kaming pinakamataas na section eh. Ang totoo nyan eh nag-aalala ako. -3-
"Hoy! Sumagot ka! Chaka bumaba ka." Utos ko. Di paren kasi sumasagot eh.
"Sabi mo ayaw mokong kausap eh." Hay nako! Wag kang gumanyan! Baka sunggaban kita dyan! De joke. Ang landi ko na! Naka pout kase! -___-
"Ang arte mo! Bumaba kana sabi eh." Sabi ko.
"Sige na nga." Sabi nya kaso namali sya ng apak. Nasa kalahati na sya ng puno ng...
Prepare for landing in three seconds. 1...2...3...!

"Aray!" Sigaw ni Paul.
"Ang kulit kulet kasi!" Sigaw ko.
"Sorry na Mika." Sabi nya.
"San ba masakit sayo??" Tanong ko naman. Yare talaga sya sakin pag nabalian sya neto.
"Wala naman." Sabi nya. Buti nalang di sya nabalian.
"Sinungaling." Sabi ko sa kanya sabay pitik sa bukol sa noo nya.
"Yan lang naman." Sabi nya.
"Tara na nga sa kubo. Gagamutin ko yang sugat mo." Sabi ko. Pasalamat sya may dala akong first-aid kit.

Must Be Love (JaiLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon