Jairus' POV
Hay nako salamat namna at sabado ngayon. Makakaiwas muna ako sa mga bagay na nakakasakit sakin pero minamahal ko padin.
Tumayo agad ako at naghilamos. Pagkatapos nun,bumaba ako. Habang nagaalmusal ako,inopen ko lahat ng social medias ko.
😕 -😐 - 😑 - 😵 - 😤
Pano,ang aga aga bumungad sakin yung tweets at post ni Francis at ng fans nila ni uhm Sharlene. Pero anong pake mo Jairus? Bakit ka ba maapektuhan?! Okay sige. Last na talaga yun. Wala na akong pake. So ayun scroll scroll lang hanggang sa may nakita akong pic. Hindi lang basta basta dahil....
Picture namin ni Ella.
Dali-dali kong inayos ang pinagkainan ko at nilagay sa lababo. Umakyat agad ako sa taas at humiga sa kama para tignan ito ng maayos. Edited bato?! Picture namin ni Ella sa isang...bar? Oh fuck. Alam ko na.
@itsellacruz: Good Morning! I'm so blessed that I have a boyfriend like @dothejairusaquino ! I love you babe! Ahihihi. Hindi kase panliligaw ang pinatatagal. Relasyon dapat :)
PS: wala ng lalapit sa baby ko kundi mapapatay ko diba @sharlenesanpedro1 ahihihi =)
#blessed #baeforever #jaiella #fuckoffhaters
Teka? Ano ba'to?! Nahihilo lang ako nun pero di ako lasing! Alam ko pa ang ginagawa ko. Impossible. Pero bakit parang h-hinalikan ko sya sa picture? Edit lang bato? Pero mukang hindi eh. Argh!
Aish! Ano bayan! Dali-dali akong pumunta sa banyo at naligo at nag-toothbrush. Nagbihis lang ako ng tokong at plain white shirt. Pupuntahan ko si Ella sa bahay nila. Kailangan ko tong ayusin ano man ang gulong ginawa nya. Pagod na pagod na kase ako sa mga issues. I need a break alright? Naglalakad lang ako kasi kabilang village lang naman sila.
*dingdong* Pinindot ko ang doorbell at sakto. Sya naman ang bumukas neto.
"Oh hi Jai-"
"Ella. We need to talk. Now." Madiin kong sabi at tumango-tango nalang sya kahit bakas ang pagtataka sa mukha nya. Sinara nya ang gate nila at lumabas."Ella. What's that?!" Umpisa ko at tumayo lang sa harapan nya.
"I did what Jai?" Sabi nya at umupo sa swing.
"Oh don't act like you -"
"Yeah yeah. About the pic on IG right? Wala lang yun." Sabi nya at nag-iwas ng tingin.
"Anong wala Ella? You just stated in your thousands of followers that you and me are together. Wala namang tayo Ella diba? At alam mo yan." Sabi ko na nakatingin parin sa kanya.
"Hay Jai. Pogi ka nga,di ka naman nag-iisip. First of all,kaya ko ginawa yun ay para makapag-move on ka at ipamukha sa Sharlene na hindi mo sya kailangan. Pangalawa,nagpapanggap lang naman tayo kaya walang problema. " Sabi nya sakin.
May point sya eh. Pero ayoko. Mali. It's not an excuse.
"Pero di ka man lang nagsabi sakin about sa plano mo." Sabi ko sa kanya. Kahit naman may galit ako kay Shar,ayoko naman siyang saktan.
Well masasaktan nga ba siya?
"No need. Alam ko namang hindi ka papayag eh. Tsaka Jai,sabi ko sayong mag-iisip ka. We are living in this cruel world. It's not a fairytale like story that the prince will get her princess na walang ginagawa." Then she rolled her eyes at bumulong na ''Eew. Princess."
There's something in Shar na bawat maririnig ko ang pangalan nya,napapantig agad ang tenga ko. Si Ella naman kase eh. Bakit parang hinihila ako ng isang part ng utak ko na tumulong kay Ella dahil para sakin ito pero my heart is saying no.
Okay. This time,I will chose what my mind says. Kase dati nung pinili kong makinig sa puso ko,nasaktan ako.
"Hay okay fine. Sige na nga." Sabi ko at nagkamot pa ng batok. Undecided kung tama ba ito or hindi.
"OMG! Thanks Jai!" Sabi nya at akmang yayakap pero pinigilan ko sya.
"Alam kong nakakabakla pakinggan pero NO HUGGING. NO KISSING." Sabi ko.
"Aww. Okay." Sabi nya at nagpout. Kinurot ko na lang ang ilong nya at niyaya sya sa Icecream Parlor.
Sharlene's POV
"Goodmorning!!" Sigaw ko since soundproof itong kwarto ko. Wala. Maganda lang ang gising ko dahil magaan ang pakiramdam ko and im so sure that it's because of what happened yesterday.
Ginawa ko ang daily routine ko at syempre,ang social accounts na kukumpleto sa araw ko.
@itsellacruz added a photo with you. Nakalagay sa notifications ko. Anong trip nito? Binuksan ko yung pic.
@itsellacruz: Good Morning! I'm so blessed that I have a boyfriend like @dothejairusaquino ! I love you babe! Ahihihi. Hindi kase panliligaw ang pinatatagal. Relasyon dapat :)
PS: wala ng lalapit sa baby ko kundi mapapatay ko diba @sharlenesanpedro1 ahihihi =)
#blessed #baeforever #jaiella #fuckoffhaters
Shocking news isn't it?! May kapalit agad ako. How great. May kumurot sa puso ko but I'm not in the position to be jealous. Si Ella ang may karapatan sa kanya. Sila na nga daw diba? Pero nabadtrip talaga ako kaya nag-comment ako.
@sharlenesanpedro1: Goodmorning Ella! Oh kayo na pala ni @dothejairusaquino! Congrats you two! At wag ka magalala,hindi ako titingin sa kanya kung di kailangan. Pagpatuloy niyo na yang forever niyo okay? Do I look like I care?
Bwisit kang babae ka ah! Humanda ka sakin. Matitkman mo ang revenge ng isang Sharlene San PedroYou want war? I'll give you war!
---
Hi kawai =^o^= thank you salamat kamsahamnida SaLamUatsX sa nagbabasa nitong story nato! Hahahahah! So yun. Sorry for the lame UD's lately. Ewan ko ba at kung ano ano na yung tinatype ko. Hahahaha. Oh well,sa wakas nagsulputan na ang ibang silent riders kroo kroo ^_^V Natutuwa ako sa mga galit,kilig at nakakatawang comments nyo!
-xx
BINABASA MO ANG
Must Be Love (JaiLene)
Teen FictionWhat can you do for love? Can you fight for her? Or just gave her up? I bet you'll be selfish. Or you'll just let the feelings fade? Who will win the Q U E E N 's heart?