MBL 44 ✏️

839 22 9
                                    

Mika's POV

Naglalakad ako ngayon sa hallway papuntang room. At syempre,as usual,di paren maka-get over ang mga chismoso at chismosa sa ginawa ko pero si Shar lang ang napagbintangan. Ang sama-sama ko talaga. Aminado ako okay? Tanga na nga,ang sama pa. Umupo nako sa upuan ko kung saan wala pa si Paul. Lagi naman kasing late yun eh. Minutes passed,naka-tunganga lang ako. Maya-maya,nag-cr muna ako.

Umupo na ule ako sa chair ko ng may naramdaman akong naapakan ko. Tsk. Ke aga aga may basura agad.

To: Mika BITCH

Playing safe kang gaga ka. Kala ko mabait ka kase weirdo ka. I knew what you did okay? At ako lang ang nakakita nito. Sulitin mona ang maliligayang araw mo Ms. Dela Cruz dahil hindi magtatagal,magsasalita na ako. Hindi kase ako kagaya mo na kayang manahimik at nagmamaang-maangan sa mga nangyayare. You're gonna pay for this.

PS: Bakit mo 'to ginawa?

A. Gusto mo maging siya.
B. Gumaganti ka.
C. MAHAL MO SI PAUL

-S.

With that leter,sumabog na ang puso ko sa kaba. Kingina! Ano batong pinasok ko?! Ang sarap sapakin ng sarili ko. But wait? S? Who's with that initial? It's none other than S-SHARLENE! Kung hindi lang dahil kay Paul,hindi ko talaga gagawin to eh. Dumating si Shar kasama si Francis.

"Hi Mika." Masayang bati nya sakin.
"Hi Shar." Sabi ko at nag-fake smile sabay umalis na sya.

Pero mabait sakin si Sharlene. Tsaka hello? Kakadating nya palang. Paano nya malalagay yan sa ilalim ng desk ko eh wala yan kanina? Gamitin mo naman ako kahit minsan. Ang gago naman nitong utak ko. Lalo akong na-confused eh. Pero si Shar ay si Shar,kahit maraming nagalit sa kanya,meron din namang hindi gaya ko at ni Francis. Mahal din siya ni Jairus at alam ko yun. Masyado lang siyang nabubulag sa mga kamalian. And I can't blame him for that. Napaglaruan lang din sila ni Shar.

"Uy bestfriend!" Sabi ni Paul sabay upo sa tabi ko.

"Bestfriend ka dyan. Di kita close." Sabe ko then I rolled my eyes.

"Uyy. Wag ka nga." Sabi nya sabay sandal sa upuan.

"Whatever." Sabi ko sabay inirapan sya.

"Ang cute mo." Sabi nya habang natatawa.
"Ang gulo mo. Sapaken kita dyan." Sabi ko pero tumawa lang sya at umiiling-iling.

"Class we don't have a class for today. We have a meeting eh and it is an important matter. But please,walang lalabas ng classroom except recess at kung masi-CR kasi yare kayo kay PS. Ms. President,take charge." Sabi ni Maam Nolan at umalis na. Nako badtrip talaga. Magkakaroon nanaman ng oras si Paul para asarin ako.

Alexa's POV

Yes! Walang klase. Tinatamad ako mag-aral eh. Hihihi. Tumayo si Shar at nagsalita sa harapan. Siya kasi ang class president.

"Okay please turn your Math book on page-"

"Teacher kaba namen para sumunod kami sayo?" Sarcastic na tanong ni Ella.

"Actually,no Ella. But,im the ruler here now so you should follow me or else.." Sabi ni Shar na nakangisi.

"Or else what?!" Nanghahamon na tanong ni Ella.

"Uhm wag na pala. Hindi ko na itutuloy. Baka kasi magalit pa yang boyfriend mo sakin." Diniinan ni Shar yung boyfriend at tumingin kay Jairus na nakatingin lang sa kaniya.

"Maam Beautiful,san po yung sasagutan?" Tanong ni Paul.

"She have a name Paul. Isa pa,she's not beautiful." Singit ni Ella.

"Cruz is right. I have my name Mr. Salas,so don't call me any names. And you should call Ms. Ella beautiful,naiingit ata sya eh." Sabi ni Shar sabay talikod.

Nakarinig kami ng ilaang tawanan bago sila singhalan ni Ella at nanahimik.

*kring!kring*

Hay salamat at recess na. Mawawala na din ang tensyon kay Ella at Shar. Dumiresto ako ng canteen ng makita ko si Shar na may hawak ng tray. Si Ella den,may dala dalang tubig at magkakasalubong kaya mukang alam ko na ang mangyayari..

But I'm late. Useless best friend as ever <

"What the?!" Sabi ni Shar habang nakatingin sa sarili nya na basang-basa.

"What? Are you going to slap me?! Come on! Do it. Wag kang magmalinis Sharlene." Sabi ni Ella habang nakangiti. "Dahil para kang damit mo,maganda daw,pero kayang kaya ko dumihan." Nag smirk pa si Ella.

"No im not like you. Lumalaban ako ng patas Ella. Hindi ako namimilit at nanguguha ng hindi akin kase hindi kita kauri." Sabi ni Shar at nilapitan siya. "Look at you. You look like a beggar. You are taking the things the doesn't belong to you. Magpapa-bargain ako gusto mo?" She smirked.

"Sabi ko sa susunod na uulitin mo yan,hindi ako magdadalawang isip na isumbong ka sa guidance Ella." Singit ni Francis.

"Bakit pare? May problema kaba sa girlfriend ko?" Sabi ni Jai sabay akbay kay Ella kaya naman halos lahat ng tao,napasinghap sa nakikita nila.

Ano daw!?

Did you hear that?!

Gf? Ella?

Kala ko nag-iilusyon lang yan si Ella.

Yeah, Rebound or what?!

Haha!! Nganga si Shar oh!

"Girlfriend mo ba si Ella?" Maangas na tanong ni Francis.

"Oo. Got a problem with that?" Tanong naman ni Jai.

"Wala naman. Sa susunod lang,sabihan mo yang girlfriend mo kasi nakakasakit na sya. Ay sabagay,ikaw nga hindi mo masabihan ang sarili mong wag manakit ng damdamin ng iba eh,girlfriend mo pa kaya?" Sabi ni Francis sabay sumunod si Shar sa kanya.

---

Sorry for nit updating yesterday :3 meow :]

-xx

Must Be Love (JaiLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon