Walang IKAW at AKO

23 0 0
                                    

noong una palang kitang makilala
ako na ay nagdududa
sapagkat kapag ikaw ay nagsalita
parang mundo ay umiiba.

hindi tayo magkakilala
pero hina hanga an na kita,
dahil sa matatamis mung salita.

ikaw ay lumapit sa akin at ipinakilala ang iyong sarili.
di ko man gustong tanggapin ngunit parang may nag tulak sa akin.

dumaan ang ilang araw, lagi mu na akung kinakausap.
nagtatawanan, naglalambingan, minsa pa nga nag aaway.

di ko alam kung anong meron tayo.
lagi mu na akong hinahatid sa silid aralan, lagi mu na akong inaabangan pagkatapos ng klase.

sinasabayan mu ako san man ako magpunta.

naalala ko pa noong gabi gabi tayung nagtatawagan. lagi mu akong kinukumusta kahit wala naman akung problema.

pero kahit kailan di kita tinanong kung anong meron tayo, dahil natatakot ako na sabihin mu na wala naman talagang ikaw at ako.

dumaan pa ilang araw , nahulog na ang puso ko sa iyo, at hiniling ko na sana ay may ikaw at ako.

ngunit bigla kang nagbago. hindi muna ako sinasabayan, hindi mu na ako hinahatid. wala ng tawag, wala ng text.

namimiss na kita , oo mali itong nararamdaman ko sapagkat alam kong walang ikaw at ako.

marami ang nagtatanong  sa akin, marami ang nagtaka, bakit daw may iba kanang kasama.
iba na ang hinahatid mo, iba na ang sinusundo mo, iba na ang nagpapasaya sa iyo.

ang daya mo, pina ibig mo lang ako,
pinaglaruan mo lang ako. 
pi na asa mi lang ako.

pinagsisihan ko na ikay aking tinanggap. pinagsisihan ko ang lahat2 na nangyari sa atin. oo sising sisi ako.

ngayon ay unti unti ko ng tinatanggap na walang ikaw at ako, dahil ang lalaking tulad mo ay hindi seryoso.

nakakatawa nga, dahil sa pag daan ng ilang araw, ibang babae nanaman ang iyong  kasama.

😂

HUGOT💘Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon