P a n g a k o

67 2 1
                                    

•Tula bilang isa

Mahal ko asan na ang mga pangakong binitawan mo?
Hindi ba't nung simula napakarami ng mga ito?
Hindi bat sabi mo sabay natin itong tutuparin?
Na sabi mo'y lahat ng ito'y magagawa kung walang susuko sa atin?

Mga pangako mong pinaniwalaan ko
Na ang akala ko'y wala nang magbabago
Ngunit masyado pala akong nag-isip,
na tayo'y hanggang dulo.
Na hindi man lang inakalang ika'y bibitaw at ako'y iiwan mo.

Hindi ko alam kung bakit
Ganoon na lang kadali sayo ang manakit,
Aking tiniis lahat ng sakit
Dahil aking pinaniwalaan lahat ng mga pangakong iyong sinambit.

Ipinangako mong "walang iwanan"
At ako naman itong si tanga'y aking pinaniwalaan.
Nasaan na ang mga pangakong iyong binitawan?
Lahat pa ba ng ito'y may katotohanan?

Tulang Alay Para SayoWhere stories live. Discover now