Maghihintay at aasa

39 1 0
                                    

•Tula bilang sampu

Kailangan ko na bang gumawa ng 100 tula para lang sabihing mahal pa rin kita?
Kailangan pa ba ng 100 dahilan para tayo'y lumaban at sabihing kaya pa?
At susulat rin ba ako ng 100 tula para sa puso kong umaasa?

"Ikaw at ako"
Ang pagkakamaling nais ko sanang ulitin.
Hayaan mo lang ako na mahalin kita,
Sarili ko naman ang sinasaktan ko diba?

Para kang isang matinik na halaman
Na pilit kong niyayakap
Kahit alam kona ako'y masasaktan.

Siguro nga ito'y sapat na
Sapat nang ako'y umasa
Umasa na ako ay sayo
Pero sayo ako ay isa lang anino.

Hindi na ako maghahabol pero patuloy akong maghihintay.
Maghihintay nalang akong bumalik ka hanggang sa pwede na, wag kang mag-alala mamahalin parin naman kita.

Tulang Alay Para SayoWhere stories live. Discover now