Pamilya

81 1 0
                                    

•Tula bilang siyam

Sabi nila ang pamilya ang iyong pinakamaasahan.
Sila yung taong laging nandyan
Sa tuwing may problema at tuwing ika'y nasasaktan.
Pero paano kung sila mismo yung dahilan,
Ng iyong pag-iyak at paglisan?

Masaya daw magkaroon ng pamilya.
Masaya daw sa pakiramdam na may nag-aaruga sayong ama at ina.
Pero bakit parang hindi naman ata?
Matuturing bang masaya kung hindi ka man lang mabigyang halaga?

Masakit. Masakit sa pakiramdam
Yung tuwing araw ng pamilya walang kang makasama.
Yung may makikita kang mga bata na pinagtatanggol ng ama nila sa masasama.
Yung makikita mo silang masaya, masaya kahit ika'y wala.

Kaya sa isang tabi ako nananahimik.
Dahil may mga bagay na hindi na mapipilit.
Kahit gustong ang nakaraan ay ibalik
Yung mga panahong masaya pa tayo nila ama at singtamis ng dati inyong mga halik.

Tanging hiling lamang ako'y mabigyang pansin.
Dahil ginagawa ko ang lahat upang kayo'y maging proud sakin.
Gusto kong dumating ang araw,
na hindi na ulit ako iiyak at madadama ko na ulit ang init ng inyong mga yakap.

Sa kabila ng pangungulila,
sa inyo ama at ina.
Mahal ko pa rin kayo dahil kayo ang binigay sa akin ng ating mahal na Maylikha.

Tulang Alay Para SayoWhere stories live. Discover now