nakakatakot magmahal

33 1 0
                                    

*Tula bilang pito

Nakakatakot magmahal
Dulot ng aking nakaraan
Lalo na pag nasaktan
Parang ayaw mo ng balikan

Nakakatakot magmahal
Dahil narin sa aking mga karanasan
Sa mga nanghihingi ng payo,
Sa kanila'y marami akong natutunan.

Parang sawa kanang marinig
Ang mga salitang dati'y sa iyo nagpapakilig
Di na rin maniniwala sa salitang tunay na pag-ibig.

Yung di ka na magugulat,
Na pag ang mga mata'y iyong iminulat
Na iniwan ka na nang lahat
Kaya't hindi na nakakapagtaka kung bakit ang buhay ko'y puro pait at alat.

Tulang Alay Para SayoWhere stories live. Discover now