Sa ngiti ikinikubli

29 2 0
                                    

*Tula bilang anim

Sa kabila ng mga ngiti ay may mga lungkot na ikinukubli.
Sa kabila ng mga tawa ay may sakit ding nadarama.

Tila nagpapaloko sila sa aking mga ngiti at tawa
At hindi nila nakikita ang hapdi sa aking mga mata.

Mata na tila ba namumugto, sapagkat ang luha'y patuloy sa pagtulo.

Mabuti pa ang gabi, laging nandiyan at para bang aking saksi.

Saksi sa aking mga luha, at sa aking pagpigil sa ingay na maaaring malikha.

Kadiliman na lamang ba talaga ang itatabi sa mga oras na ako ay di mapakali?

At tila sa pagsulat ko na lamang ba maipapakita ang aking tunay na nadarama?

Tulang Alay Para SayoWhere stories live. Discover now