P a g s u k o

67 1 0
                                    

*Tula bilang tatlo

=S P O K E N=

Hindi ganoon sa akin kadali, ang ikay iwan. Ako'y unti-unti nang nasasaktan. Para akong tanga noong mag-isang lumalaban. Alam kong alam mong wala nang patutunguhan itong ang ating laban.

Ang sakit pero hindi ko na kaya. Aking naiisip kung ako sayo ay may halaga pa ba? Dahil ang pakikitungo mo sa akin ay unti-unti nang nag-iiba. Ang init ng pagmamahalan natin na ngayon ay nanlamig na.

Noong panahong ito, nasasaktan ako ng palihim ngunit akin itong kinikimkim dahil ayaw kong ika'y mawala sa akin. Ngunit nang lumipas ang panahon, aking napagtanto na ang isang tao'y napapagod at humihinto. Pagtapos nilang masaktan ng todo, sila'y natututo.

Kaya't hindi mo ko masisisi kung bakit mabilis akong sumuko. Bakit di mo tanungin ang sarili mo kung ano-ano ba ang mga maling nagawa mo? Baka sakaling iyong mapagtanto na ikaw ang dahilan ng aking pagsuko.

Tulang Alay Para SayoWhere stories live. Discover now