Pinapalaya na kita

25 0 0
                                    

•Tula bilang labing-dalawa

Ikaw ang nagsilbing larawan
na nanggaling sa nakaraan
Na hinding hindi kukupas kailanman.

Marami tayong napagdaanan.
Tawanan, lambingan, tampuhan at awayan.
Pero ang pinakamasakit sa lahat,
Ay yung dumating ang taong hindi ko inaasahan.

Dumating ang araw na nakilala mo siya.
Sobra akong nagselos.
Dahil unti-unti na kayong napapalapit sa isa't isa.
Natatakot akong sakin maagaw ka niya.
Pero mukha nang mas masaya ka sa kanya.

Maraming nagmamahal sayo noong panahong ito,
Kaya di mo maiintindihan na ikaw lang ang meron ako.
Pero dumadating ang araw
Na ang tao'y napapagod at sumusuko.

Sumuko ako sa ating laban
Dahil wala ng patutunguhan
Salamat sa pakikipagsapalaran
Subalit ito na ang oras ng hangganan
Ng ating pagmamahalan

Mahal na mahal kita,
Pero pinapalaya na kita
Dahil alam kong doon ka liligaya.

Tulang Alay Para SayoWhere stories live. Discover now