Bakit siya pa?

51 1 0
                                    

•Tula bilang dalawa

Bakit siya pa? Bakit siya pa ang pinagpalit mo?
Bakit sa dami ng babae sa mundo,
kaibigan ko pa ang napili mo.

Napakasakit para sa akin,
Na ang dalawang taong sa akin ay mahalaga,
Mga taong sa akin dati nagpapasaya
Ay silang dahilan kung bakit ngayon ako ay lumuluha.

Mga tanong na sa utak ko na paulit-ulit na tumatakbo.
Lahat na ata ng posibleng tanong, nagawa't naisip ko.
Mga tanong na kung hindi ba siya ang pinagpalit mo ay masasaktan din ba ako ng todo?
Kung bakit sa akin iyon ay nagawa ninyo?

Sa isang iglap, bigla na lang nawala.
Sa sobrang sakit ay para akong binagsakan ng langit at lupa.
Paulit-ulit akong nag-iisip na parang tanga.
Gusto kitang bawiin pero wala akong magawa.
Pasensiya, pero hanggang ngayon IKAW PADIN TALAGA.

Tulang Alay Para SayoWhere stories live. Discover now