Para sa babaeng nagmamay-ari ng puso niya

38 1 0
                                    

•Tula bilang walo

Para sa babaeng nagmamay-ari ng puso niya.
Oo, nasayo na ang lahat kaya't akoy hindi naging sapat.
Pero yung puso niya, sa akin dapat.
Oo, naiinis ako sayo.
Dahil sa dinami-dami ng lalaki sa mundo,
bakit siya ang napili mo?

Para sa babaeng nagmamay-ari ng puso niya.
Sanay mapasaya mo siya.
Mapasaya mo siya higit pa sa aking ginawa.
Siguro kaya ikaw ang pinili niya,
Dahil sa iyo niya nakikita ang babaeng gusto niyang makasama pagtanda.

Sanay kayo'y maging maligaya,
Dahil ako'y hindi na mangugulo pa.
Dahil alam ko sa sarili kong wala akong laban
Sa babaeng nagmamay-ari ng puso niya.

Tulang Alay Para SayoWhere stories live. Discover now