3 - Sisters

475 3 0
                                    

A few days after...

ROSARIO: Ano'ng ginagawa niyo dito?

MAUREO: Nakikiramay po kami.

Isang malutong na sampal ang igagawad ni Rosario sa lalaking minsang inibig ng kanyang anak at ama ng kanyang mga apo.

CANDIDA: (agad na lalapitan ang anak) Maureo! (mapapatingin kay Rosario) Nagpunta kami rito para makiramay. Ngayon kung ganito rin lang ang magiging trato niyo sa amin mabuti pang umalis na lang kami.

MAUREO: Ma...

ROSARIO: Mabuti pa nga! Ang kapal ng mukha niyong bumalik pa dito pagkatapos ng ginawa niyong mag-ina sa anak ko. 

MAUREO: Aling Rosario, patawarin niyo po sana kami...

ROSARIO: Walang kapatawaran ang ginawa niyo kay Liria. Kung hindi dahil sa inyo, buhay pa sana siya ngayon. Pinatay niyo siya...pinatay niyo ang anak ko! Mga mamamatay tao kayo! Mga hayop kayo!

MAUREO: Aling Rosario...

ROSARIO: Nasaan ang apo ko?

MAUREO: Patawarin niyo po ako pero—

ROSARIO: Kung ganun, umalis na kayo dito dahil baka kung ano pa'ng magawa ko sa inyo.

MAUREO: Patawarin niyo po ako...patawarin niyo po ako.

ROSARIO: Isinusumpa ko kayo! Dadanasin mo rin at ng pamilya mo ang dinanas ngayon ng anak ko. Isinusumpa ko kayo! Umalis na kayo!

Aalis na sana sila Maureo nang biglang dumating si Marcus. May dala itong baril.

MARCUS: Maureo! 

ROSARIO: Marcus...

MARCUS: Hayop ka! Pinatay niyong mag-ina si Liria! Pinatay niyo ang ina ng anak mo! Mga gago kayo! (itututok ang baril kay Maureo)

ROSARIO: Marcus 'wag mong gawin 'yan. Pakiusap...

MARCUS: Kung alam mo lang ang mga pinagdaanan ni Liria dahil sa'yo. Pinili ka niya dahil ikaw ang mahal niya. Pinili niyang tanggapin lahat ng pangungutya, pangmamaliit at panggagago niyo sa kanya dahal mahal ka niya. Pinili niyang masaktan at tapak-tapakan para sa'yo. Tapos ito pa ang ginawa niyo sa kanya?

ROSARIO: Marcus, anak, tama na.

MARCUS: Mga animal sila 'Nay Rosario, kaya dapat lang mawala na rin sila. Buhay ng anak niyo ang nawala kaya buhay din nila ang kapalit! (fires the gun)

CANDIDA: Maureo! (ihaharang ang sarili sa anak)

Tatlong magkakasunod na putok ang maririnig ng lahat. Pagkatapos nun ay ang pagbagsak ng duguang si Donya Candida.

MAUREO: Ma!!!!!

||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||

ROSARIO: Balang araw, sa itinakdang panahon, malalaman mo rin ang totoo, apo. Makikita mo rin ang iyong ama pati na ang kapatid mo. 

Eleven years after...

Habang nagmamadaling lumabas ng university si Merijah...

NATE: Aijah! (ititigil nito ang kotse sa tapat ng dalaga at agad na bababa)

MERIJAH: Nate! 

NATE: Saan ka pupunta? Ba't parang nagmamadali ka?

MERIJAH: Si Lola kasi. (bakas sa mukha nito ang labis na pag-aalala)

LOVE BETWEEN TWO SKIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon