21 - Company

227 4 1
                                    

A few more days pass by...

Sa may mini-library/office ng mansion, makikita ni Cebrian ang hinahanap, nakaupo sa couch na naroon kalong-kalong ang laptop, tinatapos ang natitira pang lesson plans na kailangan nilang i-submit for the first term ng susunod na school year.

CEBRIAN: Ba't andito ka pa? Ano'ng oras na a.

Hindi iimik ang asawa. Lilingunin lang siya nito then magpapatuloy sa ginagawa.

CEBRIAN: Hindi ba pwedeng bukas na 'yan?

MERIJAH: (rolls her eyes) Haist! (lalakasan ang volume ng pinapakinggang kanta)

Pissed, he comes near her and closes the laptop's lid.

MERIJAH: What the—

CEBRIAN: Bukas mo na lang ituloy 'yan. We need to talk.

MERIJAH: Hindi ba pwedeng 'yang gusto mong sabihin na lang ang ipagpabukas? Nakikita mo naman sigurong busy ang tao, 'di ba?

Bubuksan na sana ulit nito ang laptop pero bigla itong kukunin ni Cebrian. Pati mga libro kukunin din nito at itatabi.

MERIJAH: Ano ba'ng problema mo?!

CEBRIAN: Makinig ka muna kasi.

MERIJAH: Bakit, ikamamatay mo ba 'pag 'di mo nasabi 'yan?

CEBRIAN: I'm serious.

MERIJAH: Tss! (sabay irap)

CEBRIAN: Siguro naman next week 'di niyo na kailangan pa'ng pumuntang school. I assume tapos na signing of clearance niyan at start na ng summer break niyo. Well, unless may balak kang makipagkita sa Centinong 'yon.

Merijah just crosses her arms, sa iba ang tingin at tila hindi interesado sa sinasabi ng asawa.

CEBRIAN: Are you listening?

MERIJAH: Sabihin mo na kasi kung ano 'yan. (mumbles) Ang dami pang pasakalye. Nandadawit pa ng ibang tao.

CEBRIAN: This Sunday, sasama ka sa akin.

MERIJAH: Ano na naman 'yan?

CEBRIAN: Binyag ng anak ng pinsan ni Ivo and he wants me to bring you along.

MERIJAH: Sorry, but we're not that close para pumunta ako.

CEBRIAN: Bilang isa ako sa mga ninong, kailangan andun ka rin. 

MERIJAH: So, paki ko kung ninong ka. Anong kinalaman ko dun? Ako ba magbibigay ng pakimkim?

CEBRIAN: Seryoso ako. Tsaka gusto ka rin kasi nilang makilala.

MERIJAH: Hindi ako pwede.

CEBRIAN: At bakit?

MERIJAH: Dahil may ibang lakad ako. So, pakisabi na lang kay Ivo, pasensya na.

CERBIAN: Wala akong pakialam kung anong klaseng lakad yan. Cancel it.

MERIJAH: Ba't ka ba namimilit? 

CEBRIAN: Sinong nagsabing namimilit ako? You think I'm giving you options here? Sinasabihan kita. Sasama ka whether you like it or not.

MERIJAH: Diyan...diyan ka magaling. Ang manakot at magbanta.

CEBRIAN: Pwede ba? 'Wag mo na 'kong dramahan. 'Pag sinabi kong sasama ka, sasama ka. Clear?

MERIJAH: Ayoko. A-yo-ko. Hindi ako pupunta. Hindi ako sasama sa'yo.

LOVE BETWEEN TWO SKIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon