24 - Torn

172 4 1
                                    

Ilang saglit pa, pakakawalan ni Cebrian si Merijah. Agad namang babangon ang huli, pupulutin ang nagkalat na damit at isusuot ang mga ito. Then, mabilis nitong tutunguhin ang banyo. Dito niya ibubuhos ang nararamdamang galit sa asawa at awa sa sarili. Mauupo ito sa sahig sa ilalim ng naka-on na shower, yakap ang sarili, patuloy sa pagtangis.

Mauupo naman si Cebrian at mapapasandal sa headboard. Then, mapapatingin ito sa pulang nagmantsa sa bed sheet. 

CEBRIAN:    She's mine now. And she'll be mine...until the end.

Madadako ang tingin nito sa nawasak na cellphone. With a deep sigh, he'll reach out for his phone which is on the side table and dial.

IVO:        O, pare, napatawag ka?

CEBRIAN:    Pasensya na sa abala. Gusto ko lang sanang humingi ng favor sa'yo.

IVO:         Ano 'yon?

Mapapatingin ulit si Cebrian sa nasirang gadget.

Almost half an hour passes by...

CEBRIAN:    Ba't di pa siya lumalabas?

Nakahiga ito sa may paanan ng kama, bihis na at hinihintay ang paglabas ng asawa.

CEBRIAN:    Kanina pa siya dun.

Tatayo ito at lalapit sa may pinto ng banyo.

CEBRIAN:    (knocks) Aijah...

Wala itong maririnig na tugon.

CEBRIAN:    Ano ba'ng ginagawa mo diyan? Kanina ka pa diyan a. Aijah!

Pero wala pa rin itong maririnig.

CEBRIAN:    (lalakasan nito ang katok) Aijah!

Tilts the knob but it's locked.

CEBRIAN:    Aijah, ano ba?

Magsisimula na itong kabahan.

CEBRIAN:    Aijah! 'Pag 'di ka pa sumagot, bubuksan ko 'to.

Still, wala pa rin. Kukunin na sana nito ang susi nang biglang bumukas ang pinto at iluwa nito ang asawa.

CEBRIAN:    Thank God. (lalapitan nito agad ang asawa) Ano'ng nangyari sa'yo? Ba't ang tagal mo?

Hindi siya papansinin ni Merijah. Didiretso ito sa may luggage para kumuha ng maisusuot. Then, babalik ito ng banyo para magbihis.

Pagkalabas, hahagilapin nito ang nawasak na cellphone. Agad namang makukuha ni Cebrian kung ano ang hinahanap ng asawa.

CEBRIAN:    Nasa basurahan na.

Walang imik na tutunguhin ni Merijah ang maliit na bin na naroon at pupulutin ang nasabing bagay para kunin ang kanyang sim at micro-sd card. Isang parte kay Cebrian naman ang gustong maawa sa asawa. He knew, he's gone too far again. Nagpadala siya ulit sa galit at sa...

CEBRIAN:    Selos? No way. I just don't like the idea na gusto niya 'kong isahan at gaguhin. That's it. Tara na kumain na tayo.

Hindi pa rin siya papansinin ni Merijah. Isisilid lang nito ang mga nakuhang bagay sa kanyag bag at didiretso na ito sa may pinto at lalabas.

CEBRIAN:    (agad na susundan at pipigilan ang asawa) Hey, kinakausap kita.

Sa galit, iigkas ang kamay ni Merijah para sana sampalin si Cebrian, pero 'di niya ito itutuloy.

CEBRIAN:    What? You wanna hit me? Go on!

MERIJAH:    (ibababa ang kamay) Sana mapatawad ka ni Abby sa mga pinaggagagawa mo. Dahil ako, kailanman, hinding-hindi kita mapapatawad. Nakuha mo man ako, pero hinding-hindi ako mapapasa'yo. Hinding-hindi ako magiging iyo. (turns her back and walks ahead)

LOVE BETWEEN TWO SKIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon