17 - Wed

241 3 0
                                    

Sa may tapat ng bahay nila Merijah...

CEBRIAN: 'Di ba binalaan na kita dati na 'wag ka ng makikipagkita pa sa Centinong 'yon? Hindi ka sumunod.

MERIJAH: 'Wag mo 'kong diktahan sa kung anong dapat kong gawin.

CEBRIAN: Gusto mo talagang may malagot no?

MERIJAH: (mapapatingin ng masama sa binata) Binabalaan kita, Esquivel. 'Wag si Nate.

CEBRIAN: Then do what I say at wala tayong magiging problema.

Sa school...

GEE: Girl, alam mo ba, balak ng mag-resign ni Riss. Tatapusin lang daw niya 'tong taon na 'to.

MERIJAH: Ano? Paano silang magkapatid?

GEE: Maghahanap daw siya ng bagong school.

MERIJAH: Tapos ano? Back to zero siya?

GEE: E 'yon ang sinabi niya.

MERIJAH: Dahil sa akin kaya siya aalis, tama ba?

GEE: (marahang tatango) Nahihirapan na daw kasi siya. Every time na nakikita ka daw niya, kinakain siya ng konsensya niya.

MERIJAH: Kasalanan 'to lahat ng Esquivel na 'yon.

GEE: Oo nga. Sayang ang gwapo pa naman niya. Akala ko good guy siya.

MERIJAH: Makakarma din 'yong demonyong 'yon.

GEE: Tama.

MERIJAH: Hayaan mo, mamaya bago mag-uwian, kakausapin ko si Riss. Mali 'yong ginawa niya, pero 'di naman matatanggap ng konsensya ko ang kung ano'ng pwedeng mangyari sa kanilang magkapatid 'pag nag-resign siya. Mahihirapan sila lalo at hindi 'yon maganda sa kalagayan ni Rain.

GEE: 'Yon din ang sabi ko sa kanya.

MERIJAH: Basta, ako na'ng bahala sa kanya. I'll make sure na 'di niya gagawin 'yong binabalak niya.

GEE: Hay, salamat naman. Pero, girl, balik tayo sa'yo. Ano na'ng mangyayari niyan? Pakakasal ka ba talaga sa Cebrian na 'yon?

MERIJAH: Sa tingin mo, may choice pa ba ako? Sisirain niya 'ko, Gee. Sisirain niya pati pamilya ko...baka nga pati kayo idamay niya 'pag 'di ako pumayag sa gusto niya. Hawak na niya ako sa leeg, Gee.

GEE: Napakawalanghiya naman niya talaga.

MERIJAH: (breathes in deeply) Akala ko lalaki lang ang napipikot...pati babae din pala.

GEE: Kaya nga. Nakakaloka! Sana ako na lang, 'no?

MERIJAH: Baliw!

GEE: Pero, seryoso, paano na 'yan? Sa tingin mo, kakayanin mo na maging asawa niya?

MERIJAH: Kakayanin...alang-alang sa lahat.

GEE: I feel sorry for you, sis. I know hindi ito 'yong pinangarap mong klase ng relationship...ng commitment. Hindi ito 'yong gusto mong buhay. And I feel sorry dahil kailangan mong pagbayaran ang kasalanan ng iba.

MERIJAH: He's my father, Gee. Hindi ko siya kayang pabayaan.

GEE: Don't get me wrong. Alam ko na mahal na mahal mo ang daddy mo, pero unfair na e...lalo na sa'yo.

MERIJAH: Lilipas din 'to. May awa ang Diyos. Alam ko, hindi Siya bulag para 'di makita ang nangyayari at hindi Siya bingi para 'di marinig lahat ng dasal ko. Lilipas din 'to.

LOVE BETWEEN TWO SKIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon